SIMULA

1429 Words
ASHA POV "Mahal na prinsesa gumising kana may pasok ka pa" "Hmmm" Pagdilat ko ng mata nakita ko ang napakaganda kong mama. "Ma anong oras na?" "7 am na iha" sabi niya habang naka maywang. "Ha!" Nagulat ako sa sinabi ni mama kasi malelelate na ako sa pagpasok. "Ba't di niyo sinabi kaagad malelelate na ako nito ehh" sabi ko sabay tayo papuntang cr. "Kaya nga dalian mo na jan kasi may naga antay na sayo sa baba para sunduin ka ibabaon ko nalang yung breakfast mo hah" sigaw nya sa labas. Hindi ko alam kung sino man yung tao sa baba kasi wala na akong pake alam sa ngayon kailangan ko nang magmadali kasi malelelate na ako 7:30 magsisimula na ang klase. Mga ilang minuto natapos na ako, nagtoothbrush, nagbihis at nag suklay tapos bumaba na. Pagbaba ko nakita ko si JD sya pala yung sinabi ni mama. Nang makita niya ako ngiti agad ang sumalubong sa akin kaya ngumiti din ako. "Good morning" sabi niya habang ngumiti. "Good morning" sabi ko tapos naglakad na ako ng mabilis papunta sa kusina para kunin ang aking baon. "Ma, alis na po kami" "Sige, mag ingat kayo hah, Asha kumain ka hah" bilin ni mama. "Opo" sabi ko tapos humarap kay JD. "Tara" tapos lumabas na ako papuntang kotse niya. Tapos binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya at pumasok na ako nang maka pasok na ako sinara niya ang pintuan at umikot papuntang driver seat. Malapit lang ang school namin ni JD dito kaya hindi kami natagalan naka pasok din kami at pag tingin ko sa relo ko ay 7:20 pa may 10 minutes pa para pumasok sa classroom namin. Si JD nga pala ay aking bestfriend since preschool ngayong highschool na kami bestfriend parin kami walang pinagbago sa amin. At parehas kami ni JD na paaralan na pinapasukan at classmate din kami. At muntik ko na palang makalimutan na ipakilala siya sa inyo siya si John Dale Lim as also known JD. At ako naman si Natasha Kim also known Asha. Pumasok na kami ni JD sa campus. Habang naglalakad papunta sa amin room maraming nakatingin sa amin hindi na ako magtataka dahil dito sa katabi kong sobrang gwapo lahat ng babae nagkakagusto sa kanya kaya di na ako magtataka. "Grabi hindi ka parin nawawalan ng admires eh noh JD" "Syempre gwapo ehh" "Pakihinaan ang hangin please" tumawa kaming dalawa. "Hindi ka ba nagugutom" tanong ni JD. "Nagugutom eh sino ba naman ang hindi magugutom eh walang breakfast" pinandilatan ko siya ng mata. "Tigilan mo yang mata mo Asha hah tutusukin ko talaga yan pagdi ka tumigil. Eh sino naman kasi ang may sabi sayo na gumising ka ng pinaka maaga hah" sarkistong sabi niya. "Wala, nag alarm naman kasi ako ewan ko lang bakit di ako nagising" sabi ko na naka pout. "Ano oras ka pala natulog kagabi?" Tanong niya. "1 am" sabi ko na naka ngiti yung lumabas talaga ang ngipin hehe. Tumingin sya sa akin habang umiling. "Kaya pala, huwag mo na uulitin yun hah masisira beauty mo niyan pangit ka na sige ka" asar na sabi niya. "Ang sama mo talaga kahit kailan" hinampas ko yung braso niya at naka pout na tumingin sa daanan. "Swerte naman nung girl" "Oo nga sana ako nalang sya" "Ang gwapo niya talaga" Yan lahat narinig ko sa daanan habang naglalakad kami ni JD tinignan ko sya pero wala lang syang paki alam parang walang narinig ganun sya tuloy tuloy lang lakad niya. Ng makarating na kami sa aming classroom dumiritso na ako sa akin upuan wala pa namang teacher inilabas ko muna yung sandwich na ipinabaon ni mama kinain ko yun kasi gutom na gutom na ako. Habang kumakain nagulat ako na gumalaw ang isang upuan na katabi ko tumingin ako kung sino at si JD pala umupo. "Bakit ka nandito diba dun ka dapat sa chair mo" Sabi ko. "Wala lang gusto ko lang at wala pa namang teacher kaya dito muna ako lilipat na lang ako mamaya pag dating niya" sabi niya. Kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Ng matapos ko ang aking pagkain tama tama dumating ma yung guro namin. Lumipat na si JD gaya ng sabi niya sa akin kanina. Nagsimula na ang klase, klase, klase, klase. Nang matapos ang ikaapat na subject sa umaga nag ring ang bell pahintulot na lunch break na. Tumayo ako para magligpit ng gamit ng may tumayo na sa harap ko nakita ko si Hubert pala classmate ko. Ano naman kaya kailangan nito sa akin. Tumingin ako sa kanya na nakataas ang kilay. "Hi!" Sabi niya na nakangiti. "Bakit?" Tanong ko. "Pwede ko ba mahingi number mo?" "At para saan naman?" "Wala lang, textmate hehe" "Wala akong oras jan" sabi ko at tinalikuran sya. Lumabas na ako ng classroom at pupunta na ako ng cafeteria gutom na ako. "Asha" kilala ko ang boses na yun. Tumingin ako sa likod at nakita ko si JD. "Bakit?" Tanong ko. "Anong bakit, ba't mo ko iniwan dun hah at di ka man lang magpaalam hah kung saan ka pupunta" sabi niya. "Sorry, na inis lang ako dun kay Hubert di talaga ako titigilan nakakainis na sya" inis na sabi ko. Si Hubert kasi since grade 8(Last Year) dati pa ako kinukulit humingi ng number, dumidikit. Eh ayaw ko sakanya ka inis wala pa sa status ko, ngayon pag-aaral mo na ang priority ko. Grade 9 na pala kami ni JD ngayon. "Halata nga, tara kain na tayo huwag mo nalang yun pansinin" tapos naglakad na kami papunta cafeteria. Nang makarating kami umupo ako sa nakita kong bakanteng table si JD naman ng order na makakain naming dalawa ganyan pa yan dati siya laging pumipila para sa pagkain naming dalawa e umupo nalang daw ako para wala daw maka agaw sa upuan namin kaya wala na akong magagawa kahit ayaw ko kasi gusto ko ako pumipila kasi sa totoo lang nahihiya na ako sa kanya sya nalang lagi pumipila habang ako naka upo lang. Dumating naman si Katie bestfriend at kababata ko hindi kasi kami classmate dun sya sa kabilang room. "Oh anjan kana pala, ba't ang tagal mo?" Tanong ko. "Matagal kasi kami pina alis ni sir nakakainis gutom pa naman ako" inis na sabi niya. "Saan pala si JD?" Tanong nya. "Nandun pumila para maka bili ng pagkain namin" sabi ko. "San pala boyfriend mo?" Tanong ko. "May dinaanan lang sya sandali, papunta na rin yun" sabi niya. "Umamin ka nga Asha" tumingin naman ako sa kanya. "May gusto ka ba kay JD?" Ano ba pinagsasabi nito. "Wala" simpleng sagot ko. "Wehhh" tumingin ako sa kanya ta tinaasan ko sya ng kilay. "Ba't di nalang kayo maging kayo bagay naman kayo Bes" sabi niya. "Ayaw ko noh, at may iba din yung type noh" "Malay mo ikaw type nun" tumingin ako sa kanya sa pagkasabi niya dun tapos nagkibitbalikat lang sya. Hindi ko na sya sinagot hanggang dumating na si JD. Katabi ko sya ngayon at tama tama din dumating na si Mark boyfriend ni Katie umupo si Mark sa tabi ni Katie. Tapos nagsimula na kaming kumain hanggang natapos kami sa pagkain. Sabay na kaming apat bumalik sa aming mga classroom at pagdating namin ni JD sa aming room dumating na din kaagad ang teacher namin kaya di na kami nagkausap. Discuss Discuss Discuss Discuss Dismissal Nang mag dismissal sumabay na kami ni JD lumabas sa campus at nag aya sya na ihatid na ako sa bahay at nang makarating ako sa bahay, wala pa sila mama at papa siguro na sa trabaho pa may business kasi kami kaya paglaki ko ako naman ang magmamana nun ako lang kasi anak nila mama at papa. Ang sumalubong sa akin ay ang si manang katulong namin since bata pa ako. "Oh iha nandito kana pala, nagugutom kaba kumain ka muna" sabi ni manang. "Sige po manang, ano po ang pagkain na nanjan?" Tanong ko. "Pinagluto kita na paborito mo fried chicken" sabi niya. "Yehey" masayang sabi ko parang bata lang haha. pagkatapos kong kumain umakyat na ako sa kwarto, nagshower at nagbihis tapos humiga na sa kama. Hayy nakakapagod ang araw na ito. Nang tumunog ang phone ko. From: JD Asha, ano gawa mo? To: JD Nakahiga lang, why? *message sent* Inilagay ko ang phone ko sa kama ko at humiga pipikit na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. From: JD Wala lang kinukumusta ka lang, matulog ka nang maaga hah. Susunduin kita bukas. To: JD Okay *message sent* At mga ilang minuto naka tulog na ako. Zzzzzzzzzzzz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD