Kaede's POV
Hmmmm !!
Naman ohhh !!
Nakalimutan ko bang isara yung kurtina kagabi?
Nakakasilaw ang sikat ng araw kaya napapikit ako ulit. hmmmmm.. Ang bango! Amoy...
Bacon... fried rice... at....at--- Sino nagluluto sa apartment ko?!
Napabalikwas ako ng bangon at nanlalaki ang matang habang pinagmamasdan ang kabuoan nang kwarto lung nasaan ako. Tumambad sa akin ay puro kulay itim.
Black na dingding... kisame...everything is black!!
Bakit naging itim ang kulay ng room ko?!!
Nanlaki ang mata ko nang napagtanto ko nga wala ako sa kwarto ko. Oh my God!! This is not my room at all!
Puro panlalaki ang nakapalibot. Musculine din ang scent ng room. This is a mens room!! What am I doing in a mens room and I'm in his bed??!
May nakita akong itim sa may gilid ng kama. At inabot ko ito. Nanlaki ang mata ko sa gulat at biglang uminit ang pisngi ko.
Bakit may boxer short sa kamang hinihigaan ko??!!
Dali-daling tinapon ko agad ito. Tiningnan ko yung ilalim ng kumot ko. Yun parin suot ko. Nagpa-panic na ako!!
"Ahhhhhhh!!!" Tili ko habang nakaupo sa kama. Bigla namang bumukas ang pinto sa harap ko.
"Hey! You're so noisy!! Good thing that you're awake." Sabi ng kakapasok na lalaki. Inis na nakatitig siya sa akin.
Nanlaki na naman ang mata ko sa gulat nang makita kong wala siyang pang-itaas na damit.
What a body?! At ang astig niya!! May tattoo siya sa right shoulder papunta sa braso niyang may muscles!!At may pandesal din siya! Anim pa! Oh my God! Yung inosenteng mata ko!!
"Magdamit ka nga!! " Sabi ko sabay takip ng mata ko. Delayed lang yun pagkakatakip ko nang mata.
"Is it your first time seeing a guy, naked?" He said while his brows furrows. "You're lucky you saw me half naked. "He continued. I can hear his footsteps and sound of a door being open.
Oo. Di pa ako nakakakita. Di naman naghuhubad sa harap ko si...
Stop thinking about him Kaede!! Si Kaede ka nah!! Dapat mo na siyang kalimutan!! It's been two years for pete's sake!!
"Bakit andito ako sa kwarto mo? Wahhh! May ginawa ka sa akin kagabi noh? " Sabi ko sabay ekis ng kamay ko sa dibdib ko.
"You act like you're drunk where in fact you're not. You can't remember everything last night?" " Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Wahhhh! Pinagsamantalahan mo ako!!" Sigaw ko sabay hagis ng unan sa kanya.
Hindi siya umilag. Hinayaan niyang batuhin ko siya nang unan habang tumatawa sa harap ako. Pinagtatawanan niya ako.
"You're so funny. Tried to look yourself in the mirror. If you think that I am interested to you. Well, you wish! You're ugly!!" He said with disgust." Get up on my bed and go home. You're such a nuisance." Patuloy na sabi niya na inis ang mukha..
"Kung makalait ka naman ohh. Alam ko panget ako. Alam ko yun." Sabi ko na nakasimangot.
Nakuh! Kung di lang ako nakadisguise ngayon ehh baka kanina ka pa naglalaway!! Ahhh!! Naalala ko na.
Napaka mo talaga Kaede!! Sa likod ka ba naman niya nakatulog habang nakasakay sa motor. Buti di ako nalaglag!!
"Sorry!" sabay kamot ko sa ulo ko." Pagod na pagod kasi ako kasi naextend ang shift ko kagabi kaya siguro di ko namalayan na nakatulog na ako sa likuran mo. Sorry at salamat sa pagpatuloy mo sa akin." Nahihiyang sabi ko.
Sino ba ang di mahihiya? Hay nakuh!!
" Good thing that you remember everything. You don't need to explain. I don't really care."
Ehh sa feel ko ang mag - explain ehh.
"Hindi, kasi—"
""I told you, I don't fcking care! So if I were you, you get up there on my bed, go to the bathroom and wash your ugly face. You're freaking drooling." He said while looking at me with disgust.
Laway??
"Huh?? Napahawak ako bigla sa bibig ko. "Wala na— Wow! Nice talking." Napasimangot ako bigla. Iniwan ba naman ako.
Lumabas na pala siya ng kwarto. Bumangon na ako at pumasok sa banyo.
Musculine scent !
Ang bango...
Musculine scent...
Tsss..
Paulit - ulit lang Kaede ??
Infairness!
Ang linis ng banyo niya.
Humarap ako sa salamin at nanlalaki ang matang nakatitig sa sarili ko.
Grabeh!!Ako pa ba toh? Buhok ko ba talaga to? Kulang nalang ng ibon para maging pugad yong buhok ko ehh. Ang panget ko nga talaga.
Naghilamos na ako at nagsuklay. Inayos ko ang pagkakapusod ng buhok ko at pagkatapos lumabas na ako ng kwarto.
Nadatnan kong kumakain yung lalaking. Di ko siya kilala. Siya din yung nanghold - up din sa akin.
At nakitulog pa ako sa kwarto niya.
"So you're done fixing yourself? There's nothing difference though." He spat implying that I still looking ugly. " You can eat before you go home. You might say that I'm really heartless for not letting you eat. He said with a monotone voice. Grabeh! Di ba siya marunong magtagalog? Lagej siyang nag-eenglish eh. Pero naiintindihan niya naman yung salita ko kahit tagalog.
"Ahh! Salamat." Napangiti naman ako dun kahit na sinabihan niya akong pangit pa rin.
Mabait naman pala tong lalaking toh ehh. Masungit nga lang minsan.
"You're not taking off your glasses even if you're sleeping? It fell off so I took it and put it on the side table, I guess you saw it because you're using it right now." He said while his brows furrowed and then drink his water. "And also your hair. It's still in a bun. Though it's not messy like a while ago, still, you look like an old maid." Dagdag niyang sabi sabay subo ng bacon sa bibig niya.
"Huh? ha - ha. Oo ehh. Wag mo nalang pakialaman style ko. Yan nakasanayan ko ehh."
Grabeh! Manang? Sigeh! Manlait ka lang. Napasimangot tuloy ako.
"Who told you that I care about your looks? Tsk!" He snickered.
Sungit niya talaga.
"Ikaw nagluto nitong lahat?" Tanong ko sa kanya.
"State the obvious." Pabalang na sagot niya.
Sungit talaga. Hays!
"Hehe...State the obvious. Sabi ko nga ikaw di bah? Ang sarap ng luto mo."
""I know. Can you just eat quickly so that you can leave already? You're feeling at home." He said with a grimace.
Feel at home? Di sana nagwarak na ako kung feel at home ako. At sana madami na nakakain ko. Ang konti pa nga ehh.
"Oo na po ! Atat much ? Eh kung mabulunan ako??"
"Then drink. What's the freaking use of water? " He said with annoyance.
"Sama nito." Bulong ko.
"So I am bad now? I let you sleep on my bed. I even let you eat the food that I cook. And now you're saying I'm a bad—"
"Oo nah! Tapos na po ako. Aalis na ako, okay?" Sabay tayo ko sa kinauupuan ko.
"Good!" sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain niya.
Grabeh ang bibig niya. Daig pa ang pwet ng manok. Para ding machine gun ehh. Ratatat ng ratatat.!
Grabehh! Tatlong subo pa nga lang nakain ko ehh. Sarap pa sanang kumain.
Naglakad na ako papunta sa pintuan at binuksan ang pinto.
" Ammmm..Salamat ulit at pasensya sa istorbo! Paalam."
" Now were even!" Huling narinig ko sa kanya bago ko nasara ang pinto.
Were even?
San naman kami naging patas??
**
Raven's POV
Sa wakas at umalis na din siya..Makapagligpit na nga.
Patas na kami. Bayad ko sa paghold up ko sa 20 pesos niya at sa paggamot niya sa sugat ko. Kaya nasabi ko ba we're even..
Shit!!! Ang sakit ng leeg ko. Kinailangan ko pa tuloy matulog sa sofa para lang sa babaeng nerd na yun. Halos di ako makatulog kasi di ako kompartable sa sofa. At ang nerd na babaeng yun kung makatulog parang rest in peace na talaga.
Ang sarap - sarap ng tulog niya at ang sarap niya ding sakalin. Samantalang ako, di masyadong nakatulog.
***
- Karluk University-
Kaede's POV
Buti at 10AM pa klase ko ngayon. Kung hindi? Lagot sana ako. 9AM na pala nung umalis ako sa bahay o pad ng lalaking yun.
Hay! Grabeh! Nakakahiya! At dun pa ako natulog.
"Ui! Kae( pronounce as " key") Ang lalim ng iniisip natin ahh."
"Ikaw pala yan Gin. Wala lang naman. Nagmemeditate lang ako." Natatawang sabi ko.
"Wehh? Meditate pa daw ohh!"
"Oo kaya! Umupo ka nga ng maayos jan." sabi ko kay Gin.
Ibang klase ehh. Sa desk ko talaga umupo.
" Sabi mo ehh." Sabi niya sabay upo sa tabi ko.
" Bakit ka jan nakaupo? Di bah sa likuran ka? Maawa ka naman dun sa mga nasa likuran mo ohh!!"
" Kasalanan ko bang maging matangkad? Kasalanan nila yun kasi pandak sila. Eh gusto kung katabi ka ehh. Hayaan muna sila." sabi nito sabay pout.
Ibang klase. Ang cute magpout ehh.
So kasalanan ko kung bakit ako pandak kaya nasa unahan ako? Nabilang ako ehh.
"So kasalanan pa naming hindi katangkaran noh? Sigeh! Ikaw na matangkad. Nahiya naman ako sa height ko ehh."
"Exempted ka dun sympre. Di ka naman pandak ahh.Tama lang height mo." Natawa tuloy ako sa sinabi niya. Bias talaga pag sa akin na.
"Sira ka talaga! Adik!"
" Oo ! Adik sayo!" Sabi niya sabay kindat.
Bumabanat ang loko. Di naman tumatalab. Immune na ata ako..hahaha
"Ui! Wag ka nga! Wag mo ko itulad sa mga chicks mo ui. Di mo ako mauuto. Kilala ko laman ng bituka pati balon-balonan mo Gin baby.haha"
" Ouch! Ang sakit sa dibdib nun Kae."
" Yep! " sabay batok. " Ang OA mo!"
"Ouch! Ngayon ulo ko na naman ang masakit." dagdag nito.
"Good morning class!" sabi ng kakapasok naming prof.
"Hoy! Anjan na si Prof Len kaya pwede ba itigil mo na yang ka-OA-han mo Gin! Bumalik ka na sa seat mo."
"Hmmp! Ganyan ka naman talaga. You always take me for granted. " maktol nito.
"Ang kulet!! Ewan ko sayo! para kang bakla.lol."
" Class were going to bake a cake as one your task. You can bake any cake you wanted and this will be by pair. You can choose your own partner." sabi ni Prof.
"Kae baby! Partner tayo!!hehe."
" A-yo-ko! Baka ako lang gagawa nuh! Ang swerte mo kung ganun. "
" Wahhh! Grabeh!! Nakakatampo ka na ahh. Sigeh na! Ako bahala sa gastos sa lahat ng bibilhin. Please!"
Ang cute cute talaga ng mokong. Nakademonyo ng isip.hahaha
"Yan ang gusto ko sayo Gin baby. Basta ba ganyan ka, lagi mo na akong partner. Kahit di ka pa tumulong sa paggawa.hehe" Sabi ko sabay tapik sa balikat niya.
"You must also explain why you both choose that kind of cake. Next week ang submission ng cake."
" Now, copy all of this on your notes." pagpapatuloy na sabi ni Professor Len.
"Ui! Kae baby, kaw na bahala sa explanation. Jan ka naman magaling ehh." Sabi ni Gin
Ako lang talaga ata magbibake nito.Pero ok lang... Wala akong gastos.
"Oo na po. Sa sunday tayo mamimili ng ingredients natin, okay? Magsulat ka na nga. Wag kang dada ng dada jan."
"Yes mam! Yes!" sabay saludo nito.
Hay naku! Kung di ka lang nuknukan ng playboy baka pinatulan na kita Gin.