2

1398 Words
Rain Joy’s POV "Tara na?" I asked her habang nakatitig naman siya sakin. "Bakit nag ganyan ka ulit? Ay alam ko na. Hehehe" agad niyang sabi. Mukhang gets naman niya siguro. "Wala namang masama sa gantong outfit diba? Ganto rin naman ako dati." sabi ko at naglakad pababa ng hagdan habang siya ay nasa baba at nakatingin sakin. "Hindi lang ako sanay pero seryoso? Bakit nakaganyan ka ngayon?" nagtataka niyang tanong. "Wala lang para hindi kita malamangan sa kadyosahan ko. Hahaha." mahangin na sabi ko. Natawa naman ako ng sumimangot siya. Di mabiro. "Ge push mo yang kahanginan mo. Tara na nga!" sabi niya ng makababa ako ng hagdan at hinila palabas ng bahay. Wala sila tita at tito baka nag-date. Feeling teen-ager pa rin sila hahaha. Pagdating namin doon ay agad na napukaw namin ang mga tao at lahat sila ay nakatingin sakin na parang isang basura maliban na lang sa iilang matatanda na. Eh kung sila kaya ang itapon ko no? Hahaha. Lumapit si bea sa isang nagtitinda na babae kaya sumunod ako. “Ah miss magkano po ito?" sabi ni bea sa nagtitinda. Lumingon to samin at ngumiti. Mukhang mabait yung nagtitinda "500 zen lang." sabi ng matanda at ngumiti. "SIge bibilhin na namin yan! Bessy, ikaw mag suot nito bilis!" sabi niya. Wala na ko nagawa ng binigay na niya sakin at tinulak ako sa fitting room. "Okay lang ba?" sabi ko habang tinitignan ang suot ko na dress na kulay light blue at maganda siya kaya tinanggal ko muna ang salamin ko. "Omg! Ang ganda mo! Bagay sayo! Pili ka pa! Bili! Bili!" sabi niya. Umiling ako pero niyugyog niya ang balikat ko. "Okay tama na nahihilo ako eh" sabi ko at nilagpasan siya. Nakanguso lang siyang sumunod sakin. "Ang ganda niyo po ma'am lalo na ng wala kang salamin." sabi niya. Ngumiti lang ako at nagpasalamat sa kanya. Binayaran na niya ang binili namin at lumabas na kami at naglakad para makabili ng kailangan namin sa school like mga coat, damit mga scrolls at iba pa. Aalis na sana kami ng nakarinig kami ng sigaw mula sa isang matandang ale at isang lalaki na may hawak na isang bag na naglalaman ng mga zen dahil natatapon pa ang iba dahil nakabukas to. Imbis na tulungan ng mga babae at kalalakihan ang matanda pinulot pa nila ang natapon. Iba iba talaga ang klase ng tao. May mabait, masama, walang pakialam at abnormal. Imbis na tulungan parang ninakawan din nila. Wala akong nagawa kundi magpalabas ng ice balls at binato sa lalaki na nakangisi habang nakalingon sa likod. Natumba siya at tatayo na sana ng naglagay ako ng ice chains kaya hindi siya makagalaw at saktong dumating ang mga gwardiya kasama ang prinsipe ng apoy. Paano ko nalaman? Kasi alam ko. Joke! Nakita ko na sila sa palasyo dati at halata naman sa suot niya. "Salamat sa iyong tulong binibini." sabi ng guard. Tumango lang ako at ngumiti ng matipid. "Walang anuman." sabi ko. Tumingin ako sa prinsipe na nakakunot habang nakatingin sakin. Ngumiti lang ako dahil feeling ko ang awkward. "Pakawalan niyo ko. Put*ngina." sabi ng magnanakaw. Sinampal ko siya. Medyo nagulat din ako sa ginawa ko pero medyo malakas lang. Nanlaki ang mata niya aat tumingin sakin ng nanlilisik na mata. "T*ngina mo! Papatayin kita kapag nakawala ako dito." sigaw niya sakin. May sasabihin pa siya ng tumalikod na ko at kasabay ng pagdating ng prinsipe ay tumakbo na ako lumapit kay Bea at hinila siya palayo sa kanila habang hawak niya ang binili namin. "Akin na pala yan. Nakalimutan ko kunin.'' sabi ko at kinuha ang hawak niyang isa. Napairap naman siya sakin. Sundutin ko mata nito e. "Buti naman naalala mo kaya lang nung pauwi na tayo. Tsk!" sabi niya at nauna nang naglakad palayo sakin. Napailing na lang ako sa inasal niya. "Hello babies," salubong samin ni tita at niyakap kami ni Bea. "Buti naman nakabili na kayo ng kailangan mo." Sabi ni Tito habang nakaupo sa sala at nag kakape. "Opo tito may nakita pa kami ma--- " Nagulat ako ng pinutol ni bea ang sasabihin ko at tumili ng tumili. "Mama! Ahh! Nakita po namin si prince red! Ang gwapo!" sabi niya at parang naasinan na bulate. Imagine niyo na lang yung tawa niya parang nakakatakot. "Weh!? Nakita niyo? Gwapo ba talaga?" agad na sabi ni tita. Napailing na lang kami ni tito habang naguusap ang dalawa. "Oh talaga? Nakausap niya?" "Oo! Ang gwapo niya talaga mama." Napatawa na lang kami ni tito habang tinitignan sila na parang kinikilig na ewan. Pero kahit ganyan silang dalawa ang swerte ko parin dahil sila ang tumanggap sakin at nagpakita ng totoong pagmamahal at hindi ko sila ipagpapalit sa kahit na ano. Sean’s POV "May transferee daw tayo ah?" sabi ni Greene at umupo ng ayos. Taon taon naman may transferee o freshman, hindi naman na bago yon. "Oh talaga?" kunyaring interesado na sagot ko. Bakit laging alam kapag may bago? "Oo. Dalawang babae daw yung isa sa mga yon. Balita ko maganda daw e." sabat naman ni Angel. Napatayo naman si Red kaya napatingin kami sa kanya. "Oh. Bakit ka napatayo?" tanong ko. Napahinto naman saglit si Green at ngumisi. "Siguro type niya yung transferee!" sabi niya kaya nakatanggap siya ng isang malakas na batok na galing kay Ice. "Idiot! Nakita na ba niya? Ha? Transferee nga eh. Malamang hindi pa natin makikita." and he stopped at nagtwinkle ang mata niya. "Maganda si-awww!" daing niya ng binatukan siya ni Greene. Ngumisi naman si Angel. "Sana nga maganda. Para naman madagdagan ang mga katulad ko." mahangin na sambit ni Angel kaya napapoker face si Ice at Greene. "Maganda? Saan banda? Sa Pwet?" Sarkastiko na saad ni Ice at ngumiti ng mapang-asar. Nagsisimula na naman sila. "Bwisit talaga kayo! Buti pa si Greene---'' greene cutted her words at ngumisi. "Maganda nga ba? Baka naman hindi. Hahaha" sabi nito. Napasimangot naman si angel at pinagpapalo siya. Natawa naman ako sa kanila. "Tss! Tama na yan. Maghahanda na kayo ng speech natin para sa mga old at dalawang new students" natatawang sabi ko. Natigilan naman sila at parang matatae na ewan. "Ay oo nga pala! Omg! Mauna na ko guys gagawa pa ko ng magandang speech katulad ng kagandahan ko! Kaysa sa inyo! Panget." Sabi ni Angel at tumakbo palabas ng cafeteria. "Sige una na rin kami." sabay na sabi ng kambal at naglakad palayo. Napailing na lang ako at muling kinain ang pagkain ko. "Iwan na rin kita doon lang ako sa palasyo." Sabi ni Red at tumayo at gumawa ng fire wings at lumipad palabas ng cafeteria. Tamad talaga maglakad. “Tama na po! Huhuhu!" napantig ng pandinig ko ang isang umiiyak at tumingin ako at nakita ko ang isang nerd na binubully ng mga 3 babae. "Tama lang yan dahil natabig mo ko." at sinabunutan ng babae ang nerd samantala ang nerd ay nakaupo habang umiiyak. Natawa ako sa itsura ng nerd but suddenly ay nawala to ng may naalala ako. Ang sampid sa pamilya namin na wala na ngayon. Napangiti ako ng naalala ko yon. Wala nang epal sa buhay namin at kung babalik siya ay siguradong wala na siyang babalikan doon. Hindi rin siya bagay doon dahil kahirapan lang mararanasan niya doon. I know na masama akong half - brother pero masisi niyo ba ko? Isa siyang half dark elemental kaya galit ako sa kanya. Lahat ng p**********p na binigay namin sa kanya ay tinanggap niya hanggang sa isang araw ay wala na siya sa lumang silid na puro dumi at mas dumumi ng wala na siya. Natawa ako sa mga naalala ko dati. Sinasaktan lang namin siya at kung ano ano pa. Kinuha ko ang isang upuan sa tabi ko at ibinato sa nerd at nagulat ang lahat at tinamaan siya sa ulo at nagdugo to at nahimatay siya. Natawa lang ang ilan sa ginawa ko at may iilang naawa pero wala akong pakialam sa long na masaya ako sa ginagawa ko. Kinuha ko pa ang isang spag at tumayo at ibubuhos ko na sana to ng dumating ang council. Napairap na lang ako. Tsk! Pakialamero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD