Chapter 1

488 Words
[LUIS' POV] "UMALIS KA NA RITO SA PAMAMAHAY NAMIN!" sigaw sa 'kin ng Tita ko sabay bato sa 'kin ang mga gamit ko. Aksidente ko kasing nabasag ang bowl na may kaldereta na niluto ko. Ayan tuloy, napalayas ako. Nga pala, ako si Luis Perez at ito ang buhay ko. Ginawa niyang katulong ang sarili niyang pamangkin. Ulila sa mga magulang. Pero nag-aaral ako sa isang mayaman na Unibersidad sa maniwala man kayo o sa hindi. Isa akong dakilang scholar sa De Guzman University of The Philippines, in short DGUP. "WAG KA NANG BABALIK DITO HAMPASLUPA KA!" sigaw sa 'kin ng pinsan kong si Charisse na pinagsisihan kong maging pinsan. Diyos ko, tulungan niyo ako. Pinagtutulungan nila akong mag-ina. Biglang hinila ni Charisse ang kwelyo ng damit ko at kinaladkad ako palabas ng bahay. Nakita ko naman ang Tita ko na dala ang lahat ng gamit ko. "WAG KA NANG BABALIK DITO." galit na sabi ni Tita sabay tapon ng mga gamit ko sa lupa. Hinawakan ko ang isang paa ni Tita. "Parang awa niyo na po Tita. Wag niyo po akong papalayasin. Kayo na lang po ang maaasahan kong kamag-anak." pagmamakaawa ko kay Tita. "Pwede ba? Bitawan mo ang paa ko. Hindi kita kailangan." sabi niya sa 'kin sabay tanggal ng paa niya sa kamay ko. "TIIIIITTTTTTTTAAA!" Hahabulin ko sana siya pero nakapasok na siya ng bahay kasama ang pinsan kong panget at kinandado ang pinto. Wala akong magawa at niligpit ko ang mga gamit ko at inilagay ko ito sa bag. Napatingin ako sa bahay at nakita ko si Charisse sa taas. Nagbehlat pa siya sa 'kin. Hindi ko na lang 'yon pinansin at inayos ko na lang ang mga gamit ko at inilagay sa bag. Tangna! Gabi pa naman. Saan kaya ako makikitira? - MEANWHILE - [THIRD PERSON'S POV] "NEXT!" sabi ng isang lalaki na ubod ng sungit. Siya si Billy Williams. Masasabi nating isa siyang popular, hot at gwapo dahil isa siyang sikat na artista kasama ang dalawa niyang kaibigan na sina Fredison Mirko at James Charles na artista rin. Over 10 million ang kanilang fans hindi lang sa Pilipinas, kundi sa ibang bansa rin. Sila ay nakilala bilang 'The Hunks' dahil sa maganda ang kanilang pangangatawan. Marami na rin silang naging scandals pero todo support pa rin ang mga fans nila sa kanila. "s**t! Mga walang kwenta." sabi ni Billy sabay bato ng mga files ng mga applicant. "Ano ba 'yan! Wala pa rin tayong mahanap na matinong maid." sabi ni Fredison. Oo nga pala, nakatira sila sa isang boarding house. Marami na silang na-hire na mga maids pero wala pang isang linggo ay sisante agad sila dahil nga sa hindi sila matino. Lahat ng naha-hire nilang maids ay obsessed sa kanila. "Pano na 'yan. Titigil na ba tayo sa paghahanap ng matinong maid?" tanong ni James. "Hindi, alam kong may mga babae pang matitino. Sana mahanap na natin siya." sagot ni Fredison.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD