Chapter 25: Unexpected Guest •KYLIE• DUMAAN ang tatlong araw, nagiging mas malapit na sina Eros at Dianne, sa tuwing naglalampungan sila sa harap ko, parang ang sarap nilang hagisan ng espada. Nakakaasar! Tapos, nitong kahapon lang, ay naku! Sobrang sirang-sira talaga ang araw ko dahil sa kanila. Ano pa ba? E 'di naghalikan sila, harap-harapan pa! Ang saya 'di ba? Oo MASAYA! Umiyak nga ako dahil sa saya!? DAHIL WALA kaming pasok ngayon, I chose to wander outside this Academy, na kung saan hindi na nito nasasakop ang Barrier. Pinili kong puntahan ang Left Wing ng Academy, where you will find the Forbidden Forest. Panganib na hindi mo akalaing darating ng kusa upon entering that Forest. I have my confident before entering here and I've already planned about this. Gusto kong mas lumakas

