Chapter 20: Amalgamation of Both World •KYLIE• ISANG LINGGO ang lumipas, naging payapa ang dalawang mundo. Naging makapal ang mga pananggalang dahil sa bagong Pillar. Nagkakaisa sa mga gawain, ritwal at mga seremonya ang mga tao, subalit may iilan ring tutol at ayaw ng magbalik loob. HINDI ALAM ng mga tao na sa pang-araw-araw nilang pamumuhay, ay nakakasalamuha na pala nila ang kanilang kinikilala't ipinagmamataas na mga Diyos. Disguised what I mean. Si Apollo, ang Disguise niya ay si Prince Cleioffe ng Noblebright Academy. Then si-you know, di nga ako makapaniwala e, si Yin Amora at Aphrodite ay iisa lang pala, 'yon pala ang Disguise niya. Si Zeus, siya naman 'yong ermitanyong pumasok sa loob ng Dorm ko noon, tapos si Poseidon? Wala ata. Then si Athena, she didn't use a disguise kasi

