Bipolar

1954 Words
Chapter 2: Bipolar Kylie Era's Point of View Being alone, you can differentiate yourself from the others. Walang ibang makakaalam ng mga sikreto mo. Just like me, from the very start, I live my life alone. It's already five thirty in the morning. I'm already wearing my uniform. Nakaupo ako sa edge ng kama ko at kanina ko pa binabahala itong suot ko. Ang iksi kasi ng skirt ko. Hindi ako sanay na magsuot ng mga ganitong klaseng damit. Hindi ko masyadong nailibot ang paningin ko kagabi rito sa loob ng silid ko dahil masyado ako pagod. Hindi ganito ang dati kong buhay. I should wake up as early as I can in order to prepare the meals for them. I heaved a sigh. Tumayo ako at naglakad palapit sa pinto, pinihit ko ang knob at tumambad sa akin ang mga estudyanteng nagsisilakaran. Iisa lamang ang direksiyong tinatahak nila. Papunta silang lahat sa school. They seems to be very used to it. Ang aga-aga nilang lahat. Pagkalabas ko nang silid ko at nang makita nila ako sa hallway ay agad na umugong ang mga bulung-bulungan. Mahigpit akong napahawak sa sarili kong mga kamay. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi rin ako sanay sa maraming tao. "Sino siya?" maarteng tanong ng isang babae sa bandang gilid ko. "Napaka-mean mo naman! Alam mo namang bago siya, 'wag mo nang iparamdam sa kanya na bago siya, tsk!" inis na tugon sa kanya n'yong nasa tabi naman niya. Hindi ko sila matingnan dahil sa kahihiyang nararamdaman ko. I am not used to this attention. "Ang pangit naman niya." "Sino ba 'yan? Hindi ba 'yan marunong mag-ayos ng sarili niya? Grabe, ang pangit niya. Sobra! Hahaha!" Kung tutuusin ay mas malubha pa pala ang sapak sa utak ng mga tao rito sa akademya kaysa roon kina tiya dahil kahit sinasaktan nila ako ng pisikalan, hindi pa nila nagawang direkta akong saktan ng emosyunal. "Well, maraming ganyan dito kaya hayaan niyo na." "Pathetic." Para akong nasa isang critic show na dapat ay kailangan mahusgahan sa tuwing makikita ako ng lahat. Para akong dumi sa mga paningin nila. Dahil ba sa hitsura ko kaya nagkakaganyan sila? 'What a judgmental creatures!' PAGKARATING ko sa classroom, 'yong moment na nakatingin silang lahat. Akala mo may artista silang nakita. Oo, sila na ang maganda. 'Nakikita ko nga ang kagandahan ng mga panlabas ninyong anyo. Pero ang sasama ng mga pag-uugali ninyo.' Umupo ako sa pinakalikuran na hanay. Nang lingunin ko ang bawat sides ko ay hindi na ako nagulat pa sa nakita ko. May mga nerds din dito na piniling maupo rin sa likuran. At nakuha ng lalaking ito ang atensyon ko nang makita ko siyang ngumisi. He has the guts to do that, though everyone's insulting us. Nag-iingay ang lahat at wala akong magawa kung hindi ang bigyan sila ng atensyon. They have their different businesses in life. Akala naman nila ay katapusan na ng mundo kaya sobra sila kung mag-usap-usap. I secretly winced. Inayos ko ang reading glasses ko. "Class quiet!" Nabuhayan ako nang may sumigaw sa harapan. Lalaki at kasing edad lang yata namin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob upang sitahin ang lahat na tumahimik, pero nagulat ako nang tumahimik ang lahat. "Siya si sir Mel, he has the ability to manipulate time and age. Kaya ang bata ng mukha ' di ba?" paliwanag ng babaeng nasa tabi ko. Buti naman at mayroon pang mga matitinong mga taong nag-aaral dito sa akademya. Gaya na lamang niya. "Monica Montero nga pala," pagpapakilala niya at inilahad ang kamay sa harap ko. Nahihiya pa akong abutin iyon kaya naman hindi ko na ginawa pa. Using my peripheral vision ay binawi na niya ang kamay niya. Monica, right? "Miss transferee, kindly please introduce to us yourself?" rinig kong wika ni sir sa harapan. Bigla tuloy akong nahiya. Una, nahihiya ako sa mga kaklase ko at pangalawa, nahihiya ako sa edad ni sir. Kung siguro wala akong alam na siya ang adviser namin ay baka tinawanan ko na ito sa isipan ko. Bago pa may masabing hindi maganda ang mga classmates ko ay nagtungo na ako sa harapan. Nakasunod ang paningin nilang lahat sa direksyon ko. Nakatungo lamang ako habang nakakapit ang mga daliri ko sa isa't isa. Nang nasa harapan na ako ay doon ko naramdaman ang mas malubhang atensyon. They are so intimidating. "H-hello! I'm Kylie Era," I introduced myself, I tried not to stutter but still, it happens. Hindi naman 'yong kaba ang nagtutulak sa hiya at kaba ko kung hindi ay ang mga nakamamatay nilang mga titig. Hindi naman siguro bago sa kanila ang mga transferee na kagaya ko, kaya bakit parang napakalaki ng kasalanan ko sa kanila. "Thank you, Miss Era! We are very pleased to finally meet you. You may go back on your seat," malumanay na wika ni sir at nginitian ako. Maamo ang mukha niya, pero ramdam ko ang kasungitan sa ugali niya. Hindi ako tiyak. Bumalik na ako sa kinauupuan ko na ganoon pa rin. At nang makaupo ako ay nagsimula na ring magtalakay si sir Mel. May nabigkas si sir na kumuha ng atensyon ko. He's tackling us about the history of this academy. "There are three important aspects in the academy. First is the Formality, second is the Alpha, and the last one is the Sanctuary..." Alam ko na ang mga bagay na iyon, subalit parang nais ko muling malaman kung ano ang kabuuhang ibig sabihin ng mga aspeto na iyon. First, Formality. Formality is for students who represents the council or in other words, student government council. Second, the Alpha. Alpha is the Prince of the Noblebright Academy especially the Noblebright Kingdom. Isa siya sa mga aspeto dahil nararapat siyang kilalanin sa academya dahil isa siya sa mga nagpapatakbo rito. And last, the Sanctuary. Sanctuary is located here in this academy. Ang sangtuaryo ay ang kinaroroonan ng mahalagang bagay na pinakatagu-tago at pinaka-iingatan ng academya kaya naman hinihigpitan ng lahat ng mga guwardiya ang mga taong nag-aaral dito. Nababasa ko sa libro na kailanma'y walang ibang nakakapasok sa sangtuaryo dahil sa mahigpit na seguridad dito. Hindi maaaring makapasok ang mga taga Grimdark dito dahil ito ang daan papunta ng kaharian ng Noblebright. At ayon kay sir Mel, mayroon daw batas ang mga Nobles at ang mga Disciples. Hindi maaaring pakialaman ng dalawang ito ang bawat batas, dahil makakasama ito sa bawat isa sa kanila. "Okay, class, I need you to do something. This will serve as your assignment in my subject." May isinulat si sir na hindi ko maintindihan. Kaso nang titigan ko ito ng matagal ay biglang naging salita ang simbolong kanyang sinulat. 'Ano ang ibig sabihin ng salitang iyon?' Gumuhit siya ng simbolo roon sa pisara na tiyak akong alam ko kung ano ang bagay na 'yon. Pero bakit naman niya ipagagawa sa amin 'yon kung napakadali lang naman nito? "I want you to make a research about this symbol, understood?" he added as we answered him. "Yes, sir!" we replied in unison. He sighed and then smiled, "Okay, then, class dismissed," tuluyang wika niya at umalis na. Muling nag-ingay ang mga kaklase ko. Wala kasing instructor kaya ganyan na naman sila. Tinanaw ko mula rito sa kinauupuan ko ang simbolong ginuhit ni sir at gano'n pa rin. Sa t'wing tititigan ko 'yon ay magbabago 'yon at magiging salita. It was actually like a name of God. Iginugol ko na naman yata ang ilang oras ng pag-iisip dahil hindi ko namalayang nakamaang ako sa kawalan. Bumalik ako sa diwa ko nang kalabitin ng taong nasa tabi ko. "Tawag ka ni ma'am." bulong niya sa akin. Kaya agad akong bumaling kay ma'am na hindi ko man lang napansin ang pagpasok niya rito sa silid namin. Agad ring umusbong ang kaba sa dibdib ko. "She's dead! Ha-ha!" hagikhik ng babae sa unahan ko. "Are you with us? If not, then, you may go out! You're not an exception here!" naalala ko si tiya dahil sa paraan ng panlilisik ng mata niya. Hindi ko alam na terror pala ang isang 'to. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko. "Sorry po," nakatungo kong tugon habang humihingi ng paumanhin. Mabilis ang takbo ng oras dito. Tamang-tama dahil ayaw ko ang huling instructor namin. Pinahiya niya ako sa buong klase na alam kong hindi naman dapat dahil bago pa lamang ako rito. Pero may pagkakamali rin akong ginawa. I was spacing out that time and I did not notice that she was already inside. PAGKARATING ko ng cafeteria, iba-iba ang mga usapan dito. Pero ang nangingibabaw sa tenga ko ay ang prinsipe na nasa private room. Siya nga ang usap-usapan dito sa cafeteria. Pero hindi 'yon ang ipinunta ko rito. "Narinig ko! Baka rito raw kakain si Prince!" tila hindot na tili n'yong isa na inilingan ko na lamang. "Kaya naman pala may naka-reserved na table doon!" Napasulyap ako roon sa mesang tinuro ng babae. Hindi ako chismosa, kusang narinig ko lamang ang mga pinag-uusapan nila. Mayroon ding guwardiya malapit sa table na iyon. Bigla na lamang tumahimik ang lahat ng may pumasok sa double door ng cafeteria. Nakapamulsa siya habang papasok dito. 'Di alintana ang mga presensiya namin. Parang wala lang kami para sa kanya. Siguro siya na ang taong pinag-uusapan nila. "No! I don't. Just a cup of tea." umalingawngaw ang boses niyang sobrang lamig dito sa cafeteria. May ilang kababaihan na nagpipigil na mapatili. 'Yong mga malalandi. Typical na malalandi. Tapos isa lang ang napagtanto ko, nakatitig na pala ako sa kanya, and he's staring back. I gulped. Itinuon ko muli ang sarili ko roon sa pagkain ko. Bakit ko iyon ginawa? 'Stupid!' Inayos ko ang salamin ko at umupo ng maayos. Kailangan kong maging pormal sa harap nila lalo na sa kanya. Kung ano ang kaugalian nila rito, kailangan kong tularan iyon. "I SAID A CUP OF TEA!" "I'm sorry, Prince, patawad po. Kukunin ko na po," pagpapaumanhin n'yong babaeng tiga-silbi rito. "No, you don't have to. I've already lost my appetite." Nanindig ang mga balahibo ko sa pagsigaw niya. I heard, we all gasped in air when he left. "My gosh! Ang hot ng boses niya!" "Heaven, girl! Gwapo niya talaga! Madalang lang ang kamahalan na lumabas sa silid niya kaya naman ang swerte natin!" Hindi ko na naman namamalayan ang sarili kong naiiling na lang. Lumabas na ako ng cafeteria at nagtungo sa library. Kailangan kong mag-research, about doon sa assignment namin kay sir Mel. Naglalakad ako rito sa hallway ng may biglang humablot sa akin at dinala ako sa kabilang hallway na wala masyadong tao. "Ano ba bitawan mo ako! Hoy!" Hindi ba niya alam na nasasaktan ako? Ang sakit ng kamay ko. Kainis! Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakakahood siya na kulay itim. Tapos ay bigla na lamang niyang tinanggal ang hood niya at tumambad sa akin ang pamilyar niyang mukha. Gulat na gulat akong napatungo. 'Anong kailangan niya sa akin upang gawin niyang marahas ang paghatak sa akin?' "B-bakit po? Ano pong kailangan niyo sa akin?" natatakot na tanong ko. Huminga muna siya nang malalim bago ako binitawan. Tiningnan niya ako ng sobrang seryoso. Ilang sandali siyang napatitig sa mukha ko bago niya ibuka ang bibig niya. "Are you the one who resides in dorm 40?" diretsahang tanong niya dahilan upang magulat na naman ako. "Opo, kamahalan. B-bakit niyo po tinatanong?" magalang na sagot at tanong ko. Masyadong mabilis ang pangyayari dahil agad niyang hinawakan ang eyeglasses ko hanggang sa tuluyan niya itong matanggal. Nang makita niya ang ikinukubli kong mga mata ay agad kong nakita ang pagkamangha sa mukha niya. Para siyang nakakita ng multo dahil sa gulat na nakikita ko sa mata niya. Nang makuntento na siya ay ibinalik niya muli ang eyeglasses ko at naglakad na paalis. Gano'n-gano'n na lang. Nakatanaw lang ako sa matipuno niyang likod. At napailing dahil sa ginawa niya gano'n na rin sa naisip ko tungkol sa likod niya. 'Tss!' He's crazy. Bipolar din siya gaya ng mga instructors dito. Pare-parehong may sipon at sapak ang utak. I heaved a sigh. And decided to go in the library.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD