MITSUHA LEIGH "Anong mission namin Headmaster?" Tanong ni Diane sa kanya kaya tumahimik kami para makinig. Hindi ko alam pero seryosong seryoso si Headmaster anong meron? Sobrang importante ba ng Mission. "Kailangan nyong pumunta sa Endless Town" Endless? Dulo? Nakita ko naman na nanlaki ang mata ng iba dahil sa sinabi ni Headmaster. "Sa Ghost Town?! Wahhh ayaw ko headmaster!" Sabi ni Zein na parang takot na takot talaga eh? Endless town ang sinabi ni Headmaster hindi ghost town "Anong Ghost Town?" Tanong ni Lance kaya napatingin ako sa kanya parehas ata kami ng nasa isip sabagay si Kuya din panigurado hindi alam yun. "Ghost Town! Ang Town na nasa pinakang dulo nitong Magic World! Kaya Endless Town ang tinawag doon. Matagal ng walang balita tungkol sa Town na iyon kaya Wala ng n

