MITSUHA LEIGH "Hey! Ayos ka lang ba?! Look at me!" Napakurap ako ng may tumapik sa Muka ko at doon nakita ko si Knight na nag aalala? Pero out of shock parin ako. "Y-y-y-y-yung..." Utal utal kong sabi sa kanya pero pinigilan na nya ako. "Shh... Ayos lang ang lahat. Kyle hatid mo na sya sa Dorm masyado na syang maraming nasasaksihan ngayong araw" Naramdaman ko nalang na may humawak saakin at inakay ako papunta sa kung saan. Parang wala akong marinig na kung ano basta natulala lang ako. Hindi ko akalain na ilang beses akong makakasaksi ng pagkamatay. Kakayanin ko pa yung iba pero yung ganon? Kausap ko lang sya kanina. "Suha magiging ayos din ang lahat mag paka tatag ka okay? Dito ka lang aasikasuhin muna namin yung nangyari" Hindi na ako nakasagot kay Kuya at naramdaman ko nalan

