MITSUHA LEIGH "Saan ba kayo nanggaling kanina pa namin kayo hinahanap" Napatingin ako sa nagsalita at nakaupo ito sa isang single sofa. "Naglakad lang kami Kuya" Sabi ni Serenity sa kapatid nya kaya naglakad na ako papunta sa kusina nagugutom na ako di ako nakakain kasi maaga kami umalis. Pero napatigil ako ng hawakan ni Knight ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya ng masama pero hindi sya nagpatinag. "Saan ka pupunta?" Tanong nya saakin kaya napairap ako. "Sa kusina malamang nagugutom ako" Malamig kong sabi sa kanya na mukang natauhan naman sya kaya binitawan ako. "Hahaha Kuya ikaw ah! May gusto ka kay ate no!" Hindi ko na pinakinggan pa yung mag kapatid wala namang kwenta yun. Pumasok ako sa kusina at nakita ko sila na andoon at kumakain. Natahimik sila ng makitang du

