MITSUHA LEIGH Inilibot ko ang paningin ko sa paligid habang naglalakad kami at doon nakita ko ang magandang lugar sa loob ng gate na iyon. Masasabi kong talagang maganda dito at hindi mo aakalain na isa pala itong paaralan. Habang naglalakad kami ay Marami ang nakatingin saamin at nag babow may iba na nagtataka kung sino kami dahil pareho kaming naka Cloak ni Kuya. Hindi ko nalang pinansin ang mga matang nakatingin saamin at nakiramdam lang sa paligid dito. Masasabi ko lang na iba ibang ugali ang mayroon dito kaya dapat ka talagang mag ingat. Kaya ayoko ng nag aaral eh Alam kong hindi mawawala ang mga bully lalo na kung bago ka palang. Isinawalang bahala ko nalang ang naisip ko at andito na kami ngayon sa tapat ng isang malaking pinto na gawa sa gold at may nakasulat na Headmas

