AVERY: "Lucas bitawan mo 'ko." Pilit ko siyang itinutulak palayo sa'kin pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa'kin. "Avery I'm sorry," he whispered gently in my ears. "Lucas kinakabahan na ako sa'yo!" Ang weird nang ikinikilos niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Magsimula tayong muli," sambit niya habang nakatitig nang diretso sa aking mga mata. "Lucas I know you still love my sister, so please huwag mo akong gawing panakip butas." Oo masaya ako sa sinabi niya pero hindi ko parin maiwasang isipin na baka ginagamit niya lang ako to forget Claire. "Hindi kita ginagawang panakip-butas." He looked at me with pleading eyes. "Avery, I thought I will never fall inlove with you. Akala ko lahat ng nararamdaman kong pagmamahal at pagpapahalaga sa'yo ay dahi

