AVERY: "OH MY GOSH GIRL! TOTOO BA? KAMBAL BA TALAGA ANG BABY MO?" Napatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng boses ni Cindy. Feeling ko mababasag na talaga ang eardrums ko dahil sa kanya. "Hinaan mo naman ang boses mo! Parang gusto mo yatang pabagsakin itong buong building!" saway ko sa kanya. Nagsisi tuloy ako na pinapunta ko siya dito sa condo ni Lucas. Mabuti nalang at nakaalis na si Lucas dahil kung nagkataon ay nakakahiya pag nabulabog siya ng sigaw ni Cindy. Pagkatapos kasi naming magtanghalian ay kinailangang bumalik ni Lucas sa East Medical Center dahil may aasikasuhin raw siya, at dahil hindi naman duty nitong si Cindy ngayon kaya pinapunta ko nalang siya dito. "Oops sorry. Nagulat lang ako." Napatakip nalang ito ng kanyang bibig. "Grabe naman kasi 'yong gulat mo girl pati

