AVERY: Inalalayan ako ni sir Lucas na makatayo. "Sir Lucas akala ko iniwan mo na ako," naiiyak na sambit ko. Hinalikan niya ang aking noo at hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. "I will never leave you and our child." His words were enough para alisin ang takot na nararamdaman ko. "What do you mean by this?" Napatingin kami kay mommy dahil sa tanong nito. Tila naguguluhan ito at hindi makapaniwala na may ganun karaming pera si sir Lucas. "Hindi pa ba malinaw ang sinabi ko? You can have that money and do whatever you want with it, pero huwag na huwag mo nang gugulohin si Avery. Don't you dare try to control her life again. Dahil kapag ginawa mo 'yon I might not be able to stop myself from hurting you kahit ikaw pa ang nanay ng babaeng pakakasalan ko." Kita ko kung paano sumilay a

