AVERY: Nanlalaki ang mga matang nakatingin sa'min si Noah, habang ako naman ay hindi na halos makagalaw sa higpit nang pagkakahawak sa'kin ni Lucas. Parang sawang nakapulupot sa bewang ko ang braso niya. "Ma...mag-asawa na kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Noah sa'min. "Hindi." "Oo!" Sabay na sagot namin ni Lucas at sa kasamaang palad ay hindi pa nagtugma ang sagot namin. Mas lalo tuloy naguluhan si Noah. "Teka lang ha, ang gulo niyo. Sagot ni Avery hindi tapos ikaw naman oo. Ano ba talagang totoo?" Napatiim-bagang si Lucas sa tanong sa kanya ni Noah. "We are having a baby, and we are getting married," medyo kabadong paliwanag ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko kasi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa at ang galit ni Lucas ay parang apoy na pumapaso sa'kin. Magsasalita pa sana

