(Areza's POV)
Malapit na akong matapos sa kinakain ko ngunit hindi pa rin umaalis si Claire sa aking tabi. She cupped her face while watching at me, nakangiti pa ito sa 'kin na parang ewan.
Masyado talaga itong mapilit na buksan ko ang nilalaman ng envelope. Dapat bang sungitan ko siya para tumigil ito o pagbigyan ko nalang ang gusto niya?
Kunot-noo akong humarap sa kaniya nang bigla niyang hinila ang earphone ko. Hindi ko inaasahang gagawin niya ang bagay na 'yon habang umiinom ako ng juice. Gosh!
"Please check it, Ms. Areza. Utos po sa 'kin ni Ms. Desiree, kailangan niyo daw pong makita ang laman ng envelope. Pretty please," pakiusap nito habang nangingilid ang luha sa mga mata.
Napabuntong-hinga na lamang ako. Hindi ko alam kung anong panananakot ang ginawa sa kaniya ni Desiree pero pagbibigyan ko siya alang-alang sa kaligtasan nito. Alam ko kasing kapag hindi nito nagawa ang ipinaguutos sa kaniya ay maari siyang parusahan ng madrasta ko.
"Fine, I'll check it!" Kinuha ko ng blue envelope at binuksan eto. Mabilis kong inilabas ang picture at tiningnan ang mukha ng next client ko.
Gosh!
Literal na napanganga ako. He's so damn handsome. His eyes resembles the moon at night, maliwanag ang mga ito, punong puno ng sigla at talaga namang nakaka-akit. Maputi ang kutis niya, mapula ang kaniyang mga labi, mahahaba ang mga pilik-mata at napakaperpektong tingnan ng matangos nitong ilong.
Para siyang isang angel na nahulog sa lupa at mahahalata sa suot nitong blue polo ang nakatango niyang six pack abs.
"Para siyang anghel di'ba, Ms. Areza?"
Speechless ako sa aking nakita kung kaya naman...I just agreed with her. Muli kong tinitigan ang litrato.
How I wished na hindi ako pahihirapan ng isang 'to! Kakaiba pa naman ang naramdamang kabog ng dibdib ko noong makita ko ang litrato niya.
I tried to stare at his lips again and its rosy color, I tried to touch it with my thumb. Wala akong masabi...he's a perfect guy.
Itinago ko agad ang litrato at binasa ang profile nito. Tulad ng ibang mga client ko, he's also rich and bored. He's 28 years old at ayon sa profession nito, siya ang Chief Operating Officer ng Zelica Binary Firm, isa sa pinakamalaking textile company ng bansa.
Minsan ko ng narinig ang kompanyang 'yon sa isang client ko pero hindi ko na pinakinggan ang detalye dahil galit na galit nitong itinapon ang phone niya.
Ang pangalan niya ay...
Para akong sinemento bigla sa aking kinatatayuan nang mabasa ko ang pangalan nito. Sa dinami-dami ng pangalan sa mundo bakit kapareho pa? Bakit?
Pero possible din namang fake name ang pangalan niya. Madami din naman kaming client na gumagamit ng code name at namemeke ng profile.
Tama! Fake name lamang ito! Marami din namang may ganoong pangalan. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, impossibleng wala siyang katulad.
Huminga ako ng malalim sabay pasok ng mga papeles sa envelope. He's unbelievably handsome at nakakagulat din ang pangalan nito.
***
I tried to fool myself pero ayaw akong pakinggan ng utak ko. Napakasalbahe talaga nito, traydor at matigas ang ulo. Ayaw talaga akong pakinggan.
I blinked my eyes once, twice and trice pero bumabalik pa rin sa isipan ko ang pangalan niya. The man who will be my next client was also named Reeve.
Reeve? Such a handsome name para mangahulungang kasiraan at panloloko.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangalan niya kahit walong taon na ang nakalipas. Isa siya sa dahilan kung kaya nasira ang mundo ko at dahil sa mga pagpapanggap niya, my whole life became a mess. Isa siyang sinungaling at sinaktan lamang nito ang puso ko.
"Ms. Areza? Bakit ganon nalang ang reaksyon mo kahapon? May mali ba?" tanong ni Claire.
Hindi ko siya sinagot kung kaya sumubo na lamang ito ulit.
Hindi ko nga alam kung bakit kasama ko na naman ang babaeng ito sa cafeteria at siya pa ang pumili ng kakainin naming dalawa. She's only my roommate pero wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa kadaldalan niya. Marahil ay naweweirduhan din sa kaniya ang mga taong nakapaligid sa 'min. Sa lahat ng mga babae dito, siya lang yata ang tuwang-tuwa na napasok sa lugar na ito.
Hindi mo makikita sa kaniya ang takot na napasok siya sa ganitong kalakaran. Maaninag kasi ang acceptance mula sa bilugan niyang mga mata.
Unlike the girls who're sitting around us, bawat isa sa mga ito ay napapalibutan ng madilim ng arua at mukha kakawala lang ng mga ito mula sa mga bangungot na hatid ng mga kliyente nila.
"Kahit kumakain ang ganda mo pa rin, Ms. Areza. Anong sekreto mo?" I just smiled at her. Bolera din talaga ang isang 'to.
Nakakatuwa ang pagiging matanong niya na nakakainis din at the same time. Mukhang may balak pa ata siyang sulutin ang session na naiatang sa akin. Pilya at may tinatagong landi rin ang isang ito.
"Siguro mukhang anghel din ang first love mo Ms. Areza kung kaya naalala mo siya, ano? Ako kasi, hinihintay ko na ako naman ang piliin ng lalaking mahal ko. Ivan Monrenbrouge ang pangalan niya, half-British at half-Filipino siya. Siya ang ideal man ko." Mula sa pagiging masigla ay napansin kong humugot ng malalim na hininga si Claire. Bigla nalang naging malungkot ang boses nito.
"Hanggang kaibigan at kapatid lang talaga ang turing niya sa akin. Hindi ko nga alam kung alam niyang napasok ako sa ganitong lugar eh. Kung ililigtas ba ako ng lokong 'yon o magiging manhid nalang talaga siya habambuhay."
Nanatili akong tahimik sa kabila ng mga pinagdadaanan ni Claire. Isa siyang tanga at baliw para umasang mamahalin siya ng lalaking kailanman ay hinding-hindi siya magugustuhan.
"You need to move on and forget about him. Impossibleng magustuhan ka niya," walang emosyon kong sambit. "Bakit ka nga ba nagkwekwento sa 'kin? Did I requested for it? Hindi naman ako nagsabing magkuwento ka di'ba?"
Feel na feel niya pa ang pakuwekwento tungkol sa buhay niya nang hindi man lang ako tinatanong kung interesado ba akong pakinggan siya. Hindi ko pa naman kaibigan 'to pero nagdradrama na siya sa harapan ko.
"Umm. Gusto ko lang namang magkuwento sa'yo, Ms. Areza because I think I can trust you. Ayaw mo bang magkwento din sa 'kin para gumaan ng konti ang mga pasanin mo?" napaka-sincere ng pagkakasabi niya ng mga salitang yun sa 'kin.
Iniwas ko ang tingin ko dito. "Sorry, pero hindi ako makuwentong tao Claire. I want my past to be private. Matagal ko nang kinalimutan ang lahat." Napangiti na lamang ako habang tinutusok-tusok ang fish fillet na nasa harapan ko.
Past is past, kung kaya hindi na dapat balikan ang mga nangyaring 'yon. Kung ano man ang mga naiwang alaala nito, free to leave it hanging. Para sa 'kin, maari kong maihalintulad sa isang epidemya ang nakaraan ko. It could kill me emotionally, mentally and physically kung babalikan ko pa ang lahat ng masasakit na nangyari.
Dapat mabaon na rin sa limot ang mga pangakong napako ng mga panahong 'yon.
"Okay. Ako nalang ang magshe-share sa'yo, Ms. Areza. Dahil sa nangyaring 'yon naging broken ako. Sino ba naman ako para sabihin sa kaniya noon na sana ako na lang ang mahalin niya di'ba? Sino ba naman ako para diktahan siya? Kapatid at kaibigan lang naman ang turing niya sa akin. At alam kong hindi na magbabago ang turing niyang iyon. Ang tanga ko lang talaga dahil hindi ko magawang ibaling sa iba ang atensyon ko."
Hindi pa rin siya tumitigil at parang aabutan yata kami ng hapon dahil sa haba ng kwento niya.
Napatingala na lamang ako sa kisame, tatayo na ba ako para iwan siya? Baka mamaya maalala ko pa ang mga nangyari sa nakaraan ko at lalo akong magmukhang bitter.