(Areza's POV)
Claire explained everything to me though text, nalaman ko nalang na hiningi pala ang number niya nang isang gwapong escort ni Reeve. Gumawa nalang sila ng paraan na makarating kay Reeve ang number ko.
I know she's grinning dahil naging successful ang plano niya. Kaya pala napakalas ng loob niya na sabihing magiging tulay siya para sa aming dalawa.
Hinintay kong bumalik si Claire pero nagtext nalang ito na magkakaroon daw ng girls night out mamayang gabi ang lahat ng mga red phoenix. Magkikita daw kaming lahat sa bar located in the Main Building and she'll wait for me there.
Magpapaganda daw muna siya dahil tinawagan siya ni Desiree na mayron silang baby pheonix ng free H&M at gold pass na pwede nilang gamitin para sa future needs nila.
Kumabog ang dibdib ko upon hearing the term gold pass. Kung pwede ko lang sanang pigilan si Claire ay gagawin ko.
Should I text her?
I bit my lips. Bearing a gold pass and attending the first night-out means ipapakilala na ang mga bagong collection sa mga potential clients nila.
Ilalatag ang mga profile nila sa bawat isa dito at magkakaroon ng bidding sa dark hall as a part of the after party. Hindi pa alam ni Claire ang about dito kaya naman she seems excited.
Desiree is not the kind of person who will spend money without a sure return of investment. Hindi lang double kundi triple ang gusto nitong kita sa tuwing may session ang mga alaga na ito.
It only took me 15 minutes to prepare, kung dati hindi ako pumupunta sa night-outs ngayon ay kelangan kong pumunta to protect Claire. I need to make sure that she'll be okay. Baka mamaya kapag nag-alok ng malaking halaga ang isang client ay bigla nalang itong bibitawan ni Desiree.
Hindi pa ako tuluyang nakakapasok ng centre ay umabot na sakin ang amoy ng alcohol at sigarilyo. Iba't ibang liwanag ang nagsisilbing ilaw ng lugar, malakas ang music at ang daming tao.
Nakaupo sila sa kanya kanyang lounge at iba't ibang alak din ang nasa harapan. Nagkalat ang mga red pheonix sa paligid.
Bigla kong naitago ang mask na dala ko nang mapansin kong wala silang suot na mga mask. Maybe, isa lang talaga itong ordinaryong party. Mabuti naman.
Nasan kaya si Claire?
Halos wala akong nakikitang newcomers.
"Areza!" bati sa'kin ng isang kasamahan namin.
She welcomed me with open arms habang hawak pa rin ang champagne na iniinom nito. I know her, she’s the oldest among the pheonix at matagal na sya sa ganitong larangan. She's the QUEEN, the greatest rental goddess 'yon ang tawag nila sa kanya.
Unlike the others, hindi siya pinilit na magtrabaho dito dahil siya ang kusang pumasok sa kompanya ng madrasta ko.
This is the 3rd time na nagkita kaming dalawa, as far as I know laging full ang schedule niya. She’s a 100% wh0re.
"Hi! Elizabeth, long time no see!" Ngumiti naman ako sa kaniya.
"Yeah. How are you doing? Ang tagal nating hindi nagkita," sabi niya sabay offer sa'kin ng isang basong wine.
I refuse, hindi dahil sa ayokong uminom kung hindi nakita ko ang matalik niyang kaibigang si Ellen.
She's a devil. Siya ang dahilan kaya nagising nalang ako with a Japanese who'd slept with me while I'm intoxicated. The last thing I know before I ended up in that situation ay ininom ko ang inoffer niyang cocktail sa'kin.
Si Ellen ang tipo ng babaeng nakangiti lang sa harapan ngunit gigil na gigil nang pabagsakin at patayin ka sa likod. Banal itong tingnan sa unang tingin pero siya ang pinakapilyo sa lahat ng nandito.
"Welcome back, Areza."
She's about to hug me nang mayroong aksidenteng tumama sa kaliwang kamay niya kaya naitapon ng kaonti sa'kin ang iniinom niya.
"Sorry, Ma'am. Sorry po. Hindi ko sinasadya." I smiled to myself, para akong nabunutan ng tinik.
Si Claire lang pala.
"Okay, enough with the welcome thingy."
Tumingin si Ellen sa isang group at hindi na ako pinansin. She walked out, sumunod din naman si Elizabeth sa kanya.
Nakita ko naman si Claire na smile nang smile habang may tinuturo sa'kin. Hindi ko na siya pinansin, I just rolled my eyes on her. Okay na akong malaman that she's safe.
"Ate naman, eh! Such a snob, tingnan mo ang tinuturo ko!" Muli niyang tinuro ang isang mesa sa bandang kaliwa.
Ewan ko, hindi ko naman makita yung tinuturo niya kaya hinawakan ko nalang siya sa kamay at inutusang dalhin ako sa table namin.
As we arrived there, puro baguhan ang nakapalibot sa'kin. May kanya-kanya na silang partner including Claire.
I think I'm late, bulong ko sa'king sarili.
"Gusto mong uminom, Ate?" inabot ni Claire sa akin ang isang baso ng whiskey.
I nod at her.
Pahawak na sana ako sa baso ng biglang may kumuha dito.
"Let me have this drink for her. Kadarating nya palang right? Mas mabuti yata kung makapag-usap muna kaming dalawa."
"Wait! I can manage! Kaya kong inumin 'yan!"
Hindi niya ako pinakinggan. Napatingala na lang ako sa kanya habang nakahawak naman ako nito sa kanang braso. Ininom niya nang mabilis ang whiskey na dapat ay para sa'kin.
"How arrogant!" I said cussed.
Hindi ko na ito pinansin kahit pa nilapag niya ang baso sa harapan ko. As far as I know nagpapa-impress lang ang lalaking ito sa akin.
Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa dance floor. The crowd is going wild.
Desiree never failed to impress me, tinawag niya itong girls night out pero mas madami pa ang mga bisitang mula sa iba't ibang social groups.
I thought the dance floor is wild enough pero mas malala ang nasa open area. Nagkakaroon na sila ng bubble pool party. They're dancing and drinking. Tss. Basang basa silang lahat at kita na ang mga panloob ng mga babae. Mabuti na lang at malayo kami doon.
Chinecheck ko rin ang mga mukha ng mga lalaking nandito. Hindi ko kilala ang iba except from those Elites na umiinom sa isang bar counter. New guys, huh?
Wala silang kaalam-alam that they are being monitored by the surveillance cameras. Kahit anong gawin nila ay recorded and kapag naging wild ang isang babae ay mas gaganahan sila dito.
Tumayo ako at naglakad-lakad. Hinahanap ko si Mrs. Mendez, pero she's not around. Maybe she's in the dark hall.
Kaliwa't kanan ang mga bumabati sa'kin sa paglalakad ko at mayron ding yumakap sa akin pero hindi ko nalang pinansin. I'm famous as Areza, the supposed to be heiress of this company. Malas nga lang at mas sikat ako sa ibang larangan.
"Kanina pa kita hinihintay."