WOOKIE FOUR DAYS LATER Nasa may labasan ako kasama ang ibang mga empleyado habang nagyo-yosi break. Panay hithit ako ng sigarilyong hawak ko. Lately kasi ay medyo pressured ang pakiramdam ko dahil sa pinatupad kong paghihigpit sa lahat ng mga pumapasok at lumalabas ng hotel. After kasi ng insidente kung saan napasok ang isang kwarto at naging dahilan kaya nagkasunog ang hotel ay hindi na ako naging kampante pa. Hindi na nawala sa isip ko na posibleng mangyare uli iyon kung hindi kami magiging alerto ng mga tauhan ko. At sa totoo lang ayoko nang maulit pa iyon. Ayoko nang i-risk muli ang kaligtasan ng lahat. Dahil do'n sa nangyareng iyon ay natuto na ako. I will be more responsible this time. Pero kung nape-pressured ako dahil sa trabaho ko ay agad naman iyong nawawala kapag nakapag-out

