"Ginamit mo lang ba ako?" Agad akong napabalikwas ng higa ko. Narinig ko pa ang pagkatok ni Landon sa may bintana at may ilang bato ding tumatama sakanya. Bahala ka d'yan. Bumalik ako sa pagkakahiga ko Pero laking gulat ko ng akmang tatalon na sya pababa. Mataas pa naman yon! Kaya dali dali akong tumakbo para pagbuksan sya ng bintana. Syempre naman nag aalala parin ako sa sugat nya! Nakangiti namang lumapit s'ya sakin. Wth Landon! Muntik pa sana akong Tamaan ng Bato mula sa ibaba. May namamato kasi ng iharang ni Landon ang katawan n'ya at niyakap ako. Waaaaaah ang bilis at ang lalakas nanaman ng t***k ng puso ko!!!! "Hoy! Bumamaba ka riyan! Magnanakaw ka ba!"narinig ko pang sigaw ni Kuya mula sa ibaba. Nakatingin lang saakin si Landon habang yakap yakap nya ako atsaka napangiti

