"Ang lalakeng seryoso nagpapalakas sa kamag anak ng mahal nya!"
It was 10 in the evening ng maihatid ako ni Landon sa bahay. It's normal na gabi na akong makauwi. But ang hindi ko iniexpect is to see kuya drinking his favorite redhorse!
Ugh. Ang bad timing naman yata ni Landon!
Bumaba sya sa kotse nya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse nya.
"Umalis kana . Bilisan mo"sabi
Ko. Naguguluhan namanntinitigan nya ako.
Wrong timing kasi eh!
"H-ha? Wont You introduce me to your family?"tanong pa nya
Wow level up agad ah?
"B-basta. Sa susunod nalang siguro!"sabi ko at dali daling lumabas. Naiwan naman sya doon.
Akala kong hindi na ako napuna ni kuya dahil nakayuko sya.
"H-hoy!"tawag saakin ni Kuya. Waaaah.
"K-kuya"sabi ko ng nakangiti. He just gave me a playful smile.
"Hindi ikaw!"tinuro nya si Landon. Nakatingin pa din saamin si Landon at nasa kotse nya sya.
Lah? Hindi pa talaga umalis?!
He was just standing there. Na parang minamatyagan nya pa kung anong mangyayare.
"Hoy! Ikaw!"sigaw pa ulit ni kuya. Mas maawtoridad na ang boses nya ngayon. Halata namang narinig sya ni Landon.
Kaya lumapit ito sakanya. Ang lakas ng dating nya mula sa magandang tindig nito. Kung hindi ko kilala ito malamang natakot na ako
Sundalo kasi kaya matindig!
"Yes?"aniya ng makalapit nasa labasan pa din sya. Kung baga bago makapasok sa gate ay doon din ako nastranded kasama sya.
"Anong relasyon mo sa kapatid ko?! Kaya mo ba syang panagutan?!"nanlaki ang mata ko.
Panagutan ?! Seryoso ba sya?
Ni hindi pa nga kami nakakapagdate ng maayos tapos panagutan agad?! Ang bilis ng utak nila myghash!!!!
I saw landon's face slowly smiles . Nawala rin ang matapang nyang awra at napalitan ito ng magaang itsura.
"Manliligaw palang po ako kuya, Pero pangako pananagutan ko sya If I got her pregnant"nakangiting sabi nya. Bigpa naman natuwa si Kuya.
Teka. Ano daw ligaw? Eh ni hindi pa nga nya ko nililigawan eh!
"Anong ligaw sinasabi mo Landon! Saka anong pregnant? Wow ang taas ng kompyansa mo ah?"sarkastko kong sabi.
"Ano ba sa tingin mo ang ibig sabihin ko nung niyaya kitang magdate at ang pagsabe kong interesado ako?"tanong nya.
Napanguso naman ako. yun naman na siguro yung ibig sabihin nya sa dates at tinitignan nya kung magwowork.
Teacher pa man din ako ! Tapos ang slow ko. Myghadd!!
Napatitig ako sakanya.
"Hindi naman kasi kaming direct magsabing mga lalake. Pero kadalasan matutumbok nyo kaagad ang ibig sabihin non. Hindi kagaya sainyong mga babae. Ano ano pang sasabihin. Nagugutom lang pala"mahabang sabi pa nya kaya sinamaan ko sya ng tingin natawa naman sya saakin.
"H-hoy landon hindi ko pa naman sinabe na payag ako sa gusto mo d'ba? Sabi ko sayo kapag dumating ako don sa place na sasabihin mo ibig sabihin payag ako na magdate tayo ng Tatlong araw"sabi ko pa tumangon naman sya saakin at ngumiti.
"You will"mayabang nyang sabi kaya nagmakeface ako sakanya.
Si kuya naman ay tumutungga at patango tango.
"Siguraduhin mong aalagaan at mamahakin mo ang kapatid ko ah?"pasindak na sabi naman ni Kuya.
Kaya energetic namang sumagot si Landon.
"Bente kwatro oras kong ipaparamdam sakanya na sobrang mahalaga sya"he stop and kinndatan ako"KuYa"pahabol pa nito.
Parang gusto kong masuka!
"Anong kuya?! Kukutusan talaga kitang Landon ka! Umuwi kana shoo"sabi ko pa. Kaya lang tinititigan nya lang ako na parang hindi nya man lang ako naiintindihan.
Lakas din makakuya ah? Family lang?
"Gusto ko ang fighting spirit mo bata! Pumasok ka rito at maginuman tayo!"sabi pa ni kuya. Kunyareng matapang !
Ngingiti ngiti naman syang lumapit saakin at binuksan ang gate sa likuran ko.
Nauna pa talaga syang umupo doon sa Tapat ni kuya.
"Landon nga po pala"sabi nya at inilahad ang kamay kay kuya. Tnanggap naman ito ni kuya.
"Joey , Kuya nga pala ako ni Olivia.
Tinitigan ko naman sya at si kuya.
"Wow. Ganda mo bunso ah"bati pa ni kuya . I just rolled my eyes at them.
Bahala sila kung gusto nilang uminom. Matanda na sila!
I was about to enter the house Ng lumabas si Mama kasama si Martha.
"Oy te sino 'yan?"bungad ni Martha. Nagmano naman muna ako kay Mama. At humalik sa pisngi nya.
"Nobyo mo ba 'yan anak?"tanong pang dagdag ni Mama.
"H-hindi pa po! Si Landon po 'yan ma"sabi ko. Tinitigan naman ako ni Martha.
"Pa? Wow may chance! Yes naman magkakabf na sya! Kala ko talaga tatanda ka nang single te eh!"sigaw pa ni Martha.
Kahit kailan talaga di maruning bumulong itong bruhildang ito eh!
Napatingin naman ako kay Landon na ngayon ay tumutungga na at nakangisi pa sakin.
Nagulat ako ng kndata nya ako atsaka sya ngumiti.
Lumapit naman sya saamin at nakipagkamay kay Mama at Martha.
"Landon salonga Bagonon nga po pala. Magandang gabi po sainyo mga kababaihan ng pamilyang Sta. Maria"napahawak naman ako sa noo ko.
Bakit ang lalim magtagalog ntiong ulupong na to?!
Nu yun naapektuhan agad sya ng alak?!
Natawa naman si Martha at si Mama naman ay palihim na napangiti.
"Infairness te ah? May taste ka ah?"bulong nito. At kinurot kurot pa ako.
Alam kong narinig yon ni Landon dahil nangiti sya bigla.
"Ako nga pala si Martha bunsong kapatid ni Olivia! At ito naman si Mama Eugenia. Tapos ying ulupong don kuya namin!"pagpapakilala ni Martha at naiinis na tinuro si kuya.
Nangiti naman si Landon.
"Ingatan mo ang anak ko Hijo ah?"ani ni mama kaya ako naman ay pinamulahan.
"Ma!!!"suway ko natatawa naman si Landon na tumango. Bago ko sila niyayang pumasok si Landon naman ay sinaluhan sila kuya sa inuman.
"Olivia , Ipaghanda mo ang bisita mo sa labas."pahabol ni Mama. Aba't ang kapal talaga ng Landon na 'yon.
"Ma, Hindi ko s'ya bisita si Kuya ang nagpapas--"
"D'ba dapat matuwa ka't sa loob ng 28 years, may nangahas na ding manligaw sayo?"napapokerface naman ako. Marami naman ng nangahas ah? WLa lang pumasa.
"Oo na Ma. Saglit magbibihis lang muna ako"As i said that ay nagpunta ako sa kwarto ko at nagpamalit ng pambahay.
Tinitigan ko naman ang hitsura ko sa salamin at napawhoa na lang ako.
Ha! Yare ka sakin Landon .
Madidiligan mo rin ako. Napabatok naman ako sa sarili ko.
It was only a Joke guys.
Dali dali akong bumaba at nagtungo sa kusina. Kinuha ko yung inihaw na baboy doon na nakatakip at Pritong manok para naman may pulutan sila.
Papalabas na sana ako. Kaya lang narinig ko ang pinaguusapan nila kaya nagtago muna ako.
"Ang lalakeng seryoso nagpapalakas sa kamag anak ng mahal nya!"narinig kong sabi ni kuya.
Mahal daw? Pffft.
Tinungga naman ni Landon ang isang baso ng redhorse na ibinigay sakanya.
"Ano pala ang trabaho mo?"tanong ni kuya"Can you make my sister satisfied with the Job You have?"parang tanga nyang sabi . Yes tama english nya pero yung pronounciation and way ng pagdeliver nya ang korni!
"I am a soldier sir"aniya pa at ngumiti.
Napakunot naman ang noo ni kuya.
"Sa pagkakaalam ko babaero 'yang mga sundalo na iyan ah?"lasheng na to si kuya "Dont You know Ilove my sister so much? Dont make her cry!"Ang oa lang ah!
Ganun ba pagnalalasing na umienglish.
Saka ano ano ng pinagsasasabe!
"Hindi naman po lahat ng sundalo ay babaero."pagpapaliwangag nya. "Hindi nga namin kakilala naipaglalaban namin. Pano pa yung mga mahahalaga saamin? I wont hurt her kuya"Napangiti naman si kuya saka tinapik tapik sya sa braso ni kuya.
Nagthumbs up pa sya dito saka ulit sila tumagay. Lumapit naman ako at dinala ang pulutan nila sakanila.
Tinitigan naman ako ni Landon naupo ako sa may gilid nya.
Namumula na sya at kahit ganun bakit parang ang hot pa din nya?!?
Lumipas ang ilang mga oras at sobrang naaaburido na ako sa pinag uusapan nila!
"Ya, Ano 'yan ba't ka umiinom asan magiina mo?"tanong ko dahil mukhang may mga amats na sila dahil.
Nag uusap na sila ng History!
"Sa tingin ko si Leonor Rivera talaga ang minahal ni rizal. Yun yung unag pinangakuan ng kasal eh."Sabi pa ni kuya. Umiling naman si Landon.
"nagkakamali ka d'yan brader! Si josephine Bra---"
"Kuya ayan na si ate sab!"sabi ko upang maawat sya. Sila I mean ang sakit na nila sa ulo.
Dalawang kumag!
S'ya naman ay dali daling tumayo at pumasok sa Loob.
See ganun sya kaunder. Natatanggal lasing eh.
San kaya nagpunta yung mag iina nya?
"Hey. Bro where are you? "ani pa nitong si Landon at tumungga pa muli ng alak . As in yung malaking Baso yung tinutunggaan nila ni kuya.
Kaya lasing na lasing eh!
At ng susunod pa ay pinigilan ko na sya.
"Tss hoy Landon. Sinasabi ko sa'yo hindi ka na makakauwi kung ganyan ka kalasing! Itigil mo na 'yan"galit na sabi ko.
Bigla naman syang napalingon saakin at pilyong napangiti.
"B-balita ko , Wala ka pa daw nagiging boyfriend ah?"tanong nya. Si kuya talaga!!!
Tsismoso!
"S-so?"matapang natanong ko kahit naaawkward ako.
Papalapit kasi sya ng papalapit saakin at naaamoy ko na ang alak sa hininga nya.
"So ako pala fist kiss mo?"he asked . May halong malolokong ngiti ang mga labi nya.
Kaya pinamulahan ako.
"Don't You know. I cant get enough of Your kiss? You are very addicting Olivia. You are really interesting and Amazing.Ilang araw palang kitang nakakasama parang pabaon na ng pabaon ang pana ni Kupido sa Puso ko"nakangiting sabi nya.
Ako? Speechless whoo.!
Malamang NBSB mga seb! Though may mga umamin na saakin. Iba kasi yung kay Landon...
Parang may halong kilig....
"I really like You Olivia"aniya and with that inilapit nya ang mukha saakin.
Dahan dahan. Ikikiss nya nanaman ba ako? Buti nalang di ako ang first move sa ngayon.
He moves closer and closer.
I dont know kung bakit hindi ko sya tinutulak. But as soon I felt his breath.. I close my eyes waiting his lips to touch mine.
-