"Wala ng gaganda pa sa view na tinitignan ko ngayon" Nasa faculty ako ngayon ng school habang inaayos ang ibang pinapapirmahan saakin. I just sighed at napatitig sa orasan. Alastres na ng hapon. Ang usapan namin ay Alasdos.Tinawagan ako ni Landon kanina and he already texted me the place. Kahit hindi daw ako pumunta maghihintay parin sya. Napangalumbaba ako habang hinihintay ang ilang kong mga estudyante na magpapapirma pa. Chinecheck ko din yung mga notes nila. "Oy , Olivia balita ko boyfriend mo daw yung sundalong pogi ah?"tanong ni Claire. Kapwa ko Teacher. Sya naman ay Math ang porte. "H-hindi ko pa sya boyfriend"nahihiyang sabi ko. Lumapit naman saakin ang iba ko pang mga kasamahang guro. Si Claire lang talaga ang close ko sa mga ito. Hindi ko lng alam kung bakit pati sila nakiki

