"Masakit ba?" Nag aalala kong tanong kay Elias habang dahan-dahan kong ginagamot ang mga sugat at galos nya sa mukha. Umiling naman sya bilang sagot at bahagyang ngumiti. "Sabihin mo kapag masakit." "Huwag ka ng mag alala aking sinta. Maayos na ako." Kahit na alam kong maayos na sya at kasama ko na sya ngayon ay hindi ko parin maiwasan ang mag alala at matakot. "Bakit ka umiiyak?" Nagulat ako ng maramdaman ko ang pag lapat ng kamay nya sa mukha ko. He gently wipe my tears. Umiiyak na pala ako. Hindi ko man lang namalayan. "Natakot ako. Akala ko hindi kana babalik pa. Bakit hindi mo sinabi saakin na ganoon na pala ang sitwasyon mo sa Acantharea bakit hinayaan mo akong mag isip na okay lang ang lahat." Habang wala sya sa tabi ko pakiramdam ko ay unti-unti na syang lumalayo saakin. Kahit na

