Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock na nasa bedside table ko. It's seven in the evening. May tatlong oras pa bago mag alas nuebe. Bumangon na ako upang maligo at mag bihis. Pag labas ko ay agad kong pinuntahan si Manay na ngayon ay abala sa pag hahanda ng hapunan kasama nya si Yohan at Roxy. "How are you?" "I'm fine. Thank you nga pala." Yohan is my childhood friend. Anak sya ng gobernador sa bayang ito. Kaibigan ni Daddy ang Daddy nya kaya kami magka kilala. Ang alam ko ay hindi magka sundo si Yohan at ang Daddy nya. "No problem. Hindi ko pweding pabayaan ang mga taong mahalaga kay Roxy." Halos kilabotan ako ng kindatan nya si Roxy. Ang kaibigan ko naman ay parang diring-diri sa ginawa ni Yohan. "Ninang Daddy Yoyo said he is my Daddy because he will marry Mommy " Inosenteng s

