Simula

1058 Words
Unending Novel written by: wantstomove The opposite of love is not hate, it's indifference. The opposite of art is not ugliness, it's indifference. The opposite of faith is not heresy, it's indifference. And the opposite of life is not death, it's indifference. - Elie Wiesel - - - "Anong pangalan mo?" "Ako si Elias. Ikaw?" "Ako si Juanna. Tatay ko si Juan kaya Juanna ang pangalan ko." Magiliw kong nginitian si Elias kahit na may bungi ako. "Bakit kakaiba ang itsura mo Elias?" "Hindi kasi ako kagaya nyo Juanna." Hindi ko sya maintindihan pero ang alam ko lang ay mabait si Elias. Hindi sya katulad ko pero alam kong hindi nya ako sasaktan. "Masakit pa ba ang paa mo?" "Hindi na. Salamat sa tulong mo Elias." Sya kasi ang tumulong saakin ng mahulog ako sa bangkang sinasakyan ko kanina. "Walang ano man. Mag iingat ka sa susunod Juanna." Tumango lang ako at pinaka titigan sya. Ang ganda ng mga mata nya. Kulay asol iyon. Ang alam ko mga foreigner lang ang may ganoong kulay ng mata. "Ilang taon kana Elias? Ako kasi seven." Pinakita ko pa sakanya ang mga daliri ko. "Hindi ko alam." Imposibleng hindi alam ni Elias ang edad nya. Baka naman hindi sya marunong mag bilang? Kawawa naman sya. Pinaka titigan ko syang mabuti at doon ko napansing may parang kakaiba sa may pulso nya sa leeg. "Elias bakit may butas sa leeg mo?" "Eto ang ginagamit ko para maka hinga ako." "Bakit leeg? Elias sabi ng teacher ko si Teacher Lilybeth ilong ang ginagamit para huminga kasi yon daw yong daanan ng hangin. Hindi ka ba nag aaral Elias?" Bigla ay naawa ako sakanya ng unti-unti syang umiling. Kaya pala hindi nya alam ang edad nya. "Taga saan kaba Elias?" Nag taka ako bigla ng ituro nya ang dagat. "Sa dagat?" "Oo doon sa malayong malayo." Paano sya napunta dito? Kung paano man yon ay nag papasalamat ako dahil nailigtas nya ako. "Elias simula ngayon kaibigan na kita okay? Kasi tinulongan mo ako kaya kaibigan na kita." Muli ay ngumiti ako sakanya kahit na kulang pa ang ngipin ko. Sabi naman ni Manay tutubo daw iyon dahil bata pa ako kaya wag daw akong mahihiya. "Ayaw mo pa bang umuwi? Baka hinahanap kana sa inyo." "Mamaya na. Mag laro muna tayo Elias. Wala kasi akong kalaro sa mansyon kasi walang bata doon." Parang tumigil ang pag ikot ng mundo at pag ihip ng hangin ng bigla ay ngumiti si Elias saakin. Bakit ganon? Kumpleto ang ngipin ni Elias? Masaya kaming nag laro ni Elias. Hindi namin alintana ang init mula sa araw. Nag habulan at taguan lahat ng alam kong laro ay itinuro ko kay Elias. Nakakainis lang dahil minsan ay hindi sya masyadong nag sasalita. "Alam mo Elias may ka klase akong masama ang ugali kinain nya yong baon kong lemon square." "Bakit sya masama, kumain lang naman sya?" "Kasi akin yon eh hindi naman sakanya. Bad yon Elias sabi ni Mommy pag hindi sayo wag mong kukunin." Nakaka-awa talaga si Elias. Kahit yon hindi nya alam na bad yon. Buong mag hapon ay nag laro at kwentuhan lang kami. Minsan ay hinahawakan ko ang binti nyang parang kaliskis ng isda. Ganon din sa may bandang kamay. "Siguro pinag lihi ka sa isda Elias." Iyon siguro ang dahilan kung bakit meron syang mga kaliskis. "Hindi ko alam Juanna. May ibibigay ako sayo." Mula sa gilid nya ay may inilabas syang kwentas na kabibi. "Para hindi mo ako makalimotan Juanna." Ngayon palang ako nakakita ng shell na ganon kaganda. Isinuot ni Elias saakin ang kwentas na lubos kong ikinasaya. "Thank you Elias. Ang ganda-ganda." "Kailangan ko ng umuwi Elias malapit ng gumabi." Tumayo na ako mula sa pag kakaupo ko sa buhangin at pinag pagan na ang pwetan kong nadumihan. "Hala Elias paano ako uuwi. Wala naakong bangka." "Akong bahala sayo Juanna." "Magki-kita pa ba tayo Elias?" "Hindi ko alam Juanna. Pero hanggat may dagat andito lang ako. Masaya akong nakilala ka Juanna." "Ako din Elias sa susunod mag kita tayo mag dadala ako ng maraming toys at tsaka books para sayo." Gusto ko talangang tulongan si Elias na mag basa at sumulat. Nakakaawa naman kasi sya kung hindi sya matututo. Pero mag papaturo muna ako kay Teacher Lilybeth tapos ishi-share ko kay Elias ang natutunan ko. "Pumikit kana Juanna para maka uwi kana." "Bakit pipikit pa?" "Basta pumikit kana." Ayaw ko man ay pumikit ako. Kahit na hindi ko alam kung anong koneksyon ng pag pikit ko para maka uwi ako. At sa pag mulat ng mga mata ko ay nag aalalang mukha ni Mommy, Daddy at Manay ang nakita ko. Wala na si Elias. At kahit na anong hanap ko sakanya ay hindi ko na sya mahagilap. Wala ni isa man lang ang nakaka kilala sakanya. Sa pag mulat ko ng mga mata ko ay nasa loob naako ng aking silid at hindi ko maintindihan kung paano ng yari iyon. "Mommy, Daddy, Manay si Elias nga po ang nag ligtas saakin." "Anna anak wala kaming nakitang bata ng makita ka namin sa dalampasigan." Napailing ako sa sinabi ni Daddy. Imposible baka hindi lang nag pakita si Elias dahil nahihiya sya. "Pero Daddy promise po. Si Elias yong bata na may blue eyes tapos may parang something sa leeg na may kaliskis sya po talaga tumulong saakin. Nag laro pa nga po kami." "Anak I believe you. Its okay baka umalis lang yong bata kaya hindi namin sya nakita. Mag pahinga kana muna." Tumango lang ako at bumalik sa pag kakahiga. Hinalikan ako ni Daddy at Mommy sa noo at iniwan na ako at si Manay sa kwarto ko. "Manay naniniwala ka naman sakin di ba?" Alam kong hindi naniniwala si Mommy at Daddy never naman kasi nila akong pinaniwalaan. "Oo naman anak. Hindi ko lang lubos maisip na sa mura mong edad ay makaka kita kana ng Kataw." "Kataw Manay?" "Sa susunod iku-kwento ko sayo yan. Sa ngayon mag pahinga kana muna. Ang tagal mong nawala." Hinalikan din ako ni Manay bago sya nag paalam at lumabas sa kwarto ko. Habang naiwan naman akong nag iisip at nagugulohan. Bigla ay may nakapa ako sa may bandang dibdib ko. Doon ko lang naalala ang kwentas na ibinigay ni Elias saakin. Hindi. Hindi ka imahinasyon lang Elias. Totoo ka. Totoo ka nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD