"Ina." Masayang tawag ko kay Ina na ngayon ay nag aayos ng mga perlas. "Tila kay saya ng aking bunsong anak. Maari ko bang malaman ang dahilan nito?" Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil baka may mga kataw, sirena o syukoy sa paligid na maaaring makarinig saamin. "Ina, naaalala mo pa ba ng ikwento ko saiyo si Juanna?" Tumango naman sya at nag hintay ng susunod kong sasabihin. "Pariho kami ng nararamdaman Ina. Ang sabi nya ay magkasintahan na kami may tinawag pa sya saakin ang sabi nya ay bo.. boy.. hindi ko na maalala Ina." Nagagalak kong balita sakanya. "Boyfriend ba anak?" Gulat akong napatingin kay Ina na ngayon ay sobrang lawak na ng pag kakangiti. "Paano nyo po nalaman ang lingwahe na iyan ina? Iyan nga po ang sinabi ni Juanna saakin." "Masaya akong masaya ka Elias. Basta mag ii

