Agad akong lumabas ng banko ng mabasa ko ang text ni Jared. Ayoko syang pumasok sa loob at gawan pa sya ng chismis ng mga teller namin. "Babe!" Bati nya sa akin ng makita ako sa labas ng banko. Niyakap nya agad ako. "You look tired?" napansin nya ang itsura ko. Nakalimutan kong ayusin ang mukha ko. "I'm fine. Sorry." sabi ko at hinatak na sya. Sumakay agad ako sa kotse nya. Dinala nya ako sa isang restaurant malapit sa banko. "Kain ka ha, ayoko na pumapayat ka." said Jared paglapag ng order nya sa table namin. Umorder sya ng isang buffet. Nalula ako sa mga pagkain nakita ko. Sinimulan namin ang pagkain. "How was work?" biglang tanong nya. Nag iisip ako ng maisasagot. "Ahh-- Okay naman. Nagkaroon ng reformatting kaya mga bago ang kasamahan ko. Pero Jules still there." "Thats good. At

