Dianna's POV MABIGAT ang pakiramdam ni Dianna nang nagising siya. Luminga-linga siya sa paligid at pansin niyang nasa loob siya ng kaniyang silid. Mabuti na lang at pumayag si Carlos na hindi sila magkatabing matulog. Ito pa nga mismo ang nag-alok sa kaniya kung gusto niya bang sa katabing kuwarto siya matulog. Parang ang labo naman yata ng situwasyon? Una, sabi ng lalaki ay mahal na mahal siya nito siya bilang si Coreen. At nakapagtataka naman na hindi rito sa bahay ng lalaki namamalagi si Dianne. Ayon sa lalaki ay mas gusto raw ng mga magulang nito na roon muna sa kanila ang bata dahil bakasyon naman. Mabuti na lang at biglang dumating si Carlos kahapon dahil kung hindi, baka kung ano na ang nangyari. At mukhang inaasahan naman ni Carlos na nandoon ang dalawa hindi lingid sa kaalam

