Dianna’s POV Hindi na nakapagtanong si Dianna sa nakaputing t-shirt na lalaki na tinawag ang kaniyang pangalan kung bakit siya nito kilala. He looks so very familiar. Akmang lalapit ito kanina sa kanya saka naman biglang sumulpot ang manager ng hotel at kaniyang ama. Hindi masyadong namukhaan ni Dianna ang mukha ng lalaki kanina, ang naoansin niya lang dito ang may kahabaang buhok na hanggang balikat, matikas ang pangangatawan at kahit hindi niya nakita nang malinaw ang mukha ng lalaki ay sigurado siyang may ipagmamalaki ito. Ang plano ng ama niya na bukas pa sila uuwi ng Batangas ay hindi na natuloy. “Akala ko po bukas pa tayo aalis, Papa?” nagtatakang tanong ni Dianna sa ama. “Tumawag si Roxanne, your Tita Flor… she’s in the hospital,” nag-aaalang paliwanag ni Don Danilo kay Dia

