Carlos’ POV Mas naging agresibo ang mga tauhan ni Samantha, mabuti na lang dumating sina Dixon at Albert dahil kung hindi ay pinaglamayan na siya ngayon. Nitong nakaraang linggo napansin ni Carlos na parang wala ng tao sa bahay ni Leon, pinahanap niya ito kay Robert at hanggang ngayon wala pa ring itong lead kung saan nagtatago ang traydor niyang kapatid. “Baliw na talaga si Alarcon at balak ka pang itumba Carlos,” turan ni Albert. “Ibang sindikato ang nasa likod ni Alarcon ngayon, mas malakas kaysa may hawak dito noon, kaya ang lakas ng loob,” pagbibigay impormasyon ni Dixon. Napatingin tuloy siya rito. Nakilala niya si Dixon dahil tropa ito ni Carter at naging tropa niya na rin, sa pagkakaalam ni Carlos isa ring itong secret agent, hindi nga lang niya alam kung sa gob

