Dianna POV "I miss you, Mama." Napangiti si Dianna nang yumakap sa kaniya si Dianne. Halos isang Buwan din niyang hindi nakita ang bata. Medyo pumayat ito kumpara nang una niya itong nakita. "I miss you too, baby!" nakangiting sagot ni Dianna rito. Ayaw niyang mahalata nitong hindi siya okay. Mabuti na lang at pumayag ang mama ni Carlos na rito muna sa kanila si Dianne. Hindi niya alam kung paano na kumbinsi ni Carlos ang malditang ina nito. She was thankful that Dianne is here. Kinarga niya ito at hinalikan sa pisngi. Humagikhik naman ito. Hindi siya magsasawa sa presensiya ng bata tuwing nakikita niya ito parang hinahaplos ang puso niya, parang may koneksyon talaga silang dalawa. "Ang sarap naman!" aniya, nang hinalikan din siya nito sa pisngi. Napaka-sweet na bata, buti hindi

