Dianna's POV HINDI din alam ni Dianna kung saan siya kumuha nang lakas ng loob at tapang nang nakipagsagutan siya sa ina ni Carlos. Tingin niya hindi naging maganda ang relasyon nito at ni Coreen. Paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang sinabi nito patungkol kay Coreen. "Paanong mahahawa pa si, Dianne rito?" aniya sa sarili. Bigla niya din naalala ang sinabi sa kaniya ni Carlos noong isang araw, na kahit ganito siya ay tatanggapin at mahal pa rin siya nito? Ayaw niyang bigyan ng kakaibang kahulugan ang mga napansin pero— hindi niya ito maiwaksi sa kaniyang isip. "Coreen was sicked? And what kind of sickness? Mentally? Depression? Suffering from sudden amnesia?" wala sa sariling tanong ni Dianna sa kawalan. Parang siya yata ang masisiraan ng bait dito. Kailangan niyang matawagan

