Carlos’ POV Kahit ayaw pang iwanan ni Carlos si Dianna na kasama ang doktor ay wala siyang nagawa, alam niyang importante ang pag-uusapan niya at ni Leon. Nang naiparada na ni Carlos ang kaniyang sasakyan sa parking area ng bahay ni Leon sa isang exclusive subdivision sa Quezon City. Nang nakalabas siya ng kaniyang sasakyan, bumungad sa kaniya ang two storey european na bahay ni Leon. Hindi na niya kailanagn pang kumatok o, mag-door bell, nakatayo si Leon sa pintuan na halatang hinihintay talaga siya nito. Walang imik na pumasok sila sa loob. Nang pareho silang nakaupo sa malawak at marangyang sala, seryosong tiningnan ni Carlos si Leon. Mas mukhang maayos na ito tingnan kaysa noong huling nakita niya ito. “What do you want to tell me?” tanong ni Carlos kay Leon. Napansin niya k

