Dianna POV "Rosa!" Gulat na napalingon sa kaniya ang babae. Abala ito sa paghihiwa ng patatas. Si Manang Ester naman ay nasa likod ng mansyon. "B-bakit po?" nauutal na tanong ni Rosa. Umupo siya sa upuan malapit dito. "Gusto kong makausap si, mama." Tiningnan ni Dianna ito sa mata. Kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata nito. Napatigil din ito sa paghiwa. "Huli ka!" aniya sa isipan. "N-nakaalala ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Rosa. "Sino ang nagpadala rito sa iyo, Rosa?" Pumikit siya. Mukhang tama nga ang hinala niya sa babae. Para namang may dumaang anghel. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. "Tawagan mo ang amo mo, Rosa kung ayaw mong pati ikaw madamay sa galit ko," sabi ni Dianna rito. Para itong natuklaw ng ahas. Nang hindi ito natinag ay tumayo siya. "Call

