Dianna's POV HINDI natuloy ang pag-uusap sana nila ni Carlos, bigla itong tinawagan ng ama nito na may emergency meeting daw sa mansyon ng mga magulang nito kasama ang iba pang kapartido na tatakbo sa eleksyon. *** "Kumusta ka na, Coreen?" Napalingon bigla si Dianna. May isang lalaking nakasandal sa hamba ng pinto. Kagagaling niya lang sa banyo at nagkandaligaw-ligaw pa siya kanina sa kahahanap ng banyo. May kalakihan naman kasi ang kapitolyo rito sa Dumaguete, ayaw niya sanang sumama kay Carlos ngunit wala naman siyang pagpipilian, isa pa gusto niyang makalabas ng mansyon. Akmang maglalakad siya muli ay- napahinto siya sa sinabi ng estrangherong lalaki, "I miss you, babe." Kunot-noo niya itong nilapitan. Magsasalita sana siya pero- bigla siya nitong hinawakan sa kamay at hinila pala

