Carlos POV Halos nablangko ang isip ni Carlos nang sunod-sunod na narinig niya ang pagputok ng baril. Nagkagulo na silang lahat. “Let’s go Carlos!” Hinila siya ni Carter papalayo sa kuta nina Samantha at Viska. “Paano si Coreen? She’s in danger!” sigaw ni Carlos kay Carter. “She’s with Leon,” kalamadong sagot ni Carter. Kinalas ni Carlos ang kamay ni Carter na nakahawak sa kaniya. “Nakalimutan mo ba ang sinabi ni Coreen? Na Baka hindi si Leon ang nakita ni Dixon!” “Huwag kang makulit, Carlos, hinding-hindi pababayaan ni Don Alejandro na mapahamak siCoreen,and yes, hindi nga si Leon ang nakita ni Dixon kanina, it was Leon clone,” pag-amon ni Carter. Dahil sa pagkagulat hindi nakapagsalita kaagad si Carlos. “C-clone?” pagkukumpirma ni Carlos sa kaniyang narinig. “Stop as

