Dianna's POV Pupungas-pungas na bumangon si Dianna. Nagulat siya nang nabungaran si Carlos na nakaupo sa dulo ng kaniyang kama. "s**t!" she cursed, silently. Seryosong nakatingin ito sa kaniya, at naasiwa siua sa paninitig ni Carlos sa kaniya. "W-what are you doing here?" she asked Carlos, while fixing her messy long hair. Hindi umimik si Carlos, nakita niyang napalunok ito. Napapikit si Dianna nang naalala ang nangyari kanina. "Papa!" bulalas niya at napatayo siya bigla. Tumayo rin si Carlos at lumapit sa kaniya. "Sit down and relax Dianna," utos ni Carlos. Hindi alam ni Dianna kung bakit sinunod niya ang utos ni Carlos. Ramdam niyang may nagbago sa lalaki. He's cold and dominant. "Don't stress yourself Dianna, your dad is now safe," Carlos assured. Noong nakaraang linggo lang na

