Dianna's POV BIGLA napadilat si Dianna nang nararamdamang may mabigat na braso na nakayakap sa kaniya. Napadilat siya nang naalala ang nangyari kaninang hapon, at bigla siyang napaupo ng na-realize na. . . wala na siya sa loob ng library. Ang huling natatandaan niya ay. . . Ano ang nangyari? Kailangan niyang makalabas rito baka kanina pa naghihintay si Dianne sa kaniya! Akmang aalisin niya ang braso ni Carlos ay bigla itong nagsalita,"Where are you going? Nagulat si Dianna dahilan na bigla siyang napayakap sa kaniyang sarili. "Aalis ka na naman? Magtatago? Akala ko mahal mo ako?" dagdag pa ni Carlos na ikinalaglag ng panga niya, seriously? Parang ibang Carlos ang kasama niya ngayon, kanina para siya nitong kakainin nang buhay. "Kinain ka na nga niya hindi ba?" Napasabunot na lamang

