Dianna's POV "I miss this place!" masayang bulalas ni Dianna, nang nakarating sa kanilang mansyon, bukod sa isang bahay nila kung saan siya unang dinala ng kaniyang ama na akala niya ay masamang tao ang nagpakidnap sa kaniya ay mayroon pa silang ancestral house rito sa Vallehermoso. This house is very important to their family. Maraming pagsubok na silang nalagpasan sa buhay. Humiwalay sa kanila si Carlos kanina pagkarating nila sa bungad ng Vallehermoso, pupunta raw ito ng kapitolyo at pinapatawag ng ama nito. Kasama nila si Dianne rito ayon na rin sa kagustuhan ni Carlos na sa kaniya muna ang bata. "Wow!" rinig niyang bulalas ni Carlos Alexandrei, nang tingan niya ito nasa harap ito ng glass cabinet at nakatingin sa iba't ibang disenyo ng kabayong figurines. "Kay Lolo bro mo iyan

