Dianna's POV MASAYANG silang naghahapunan parang larawan ng isang kompleto at masayang pamilya sila ngayon. Matapos ang emosyonal na tagpo kanina ito sila masayang nagkukuwentuhan. "Ano na ang plano ninyo Dianna, Carlos? Lumalaki na ang mga apo namin." Napatigil si Dianna sa akmang pag-inom ng tubig. Nilingon ni Dianna si Carlos na nakaupo sa kanan niya at sa kaliwa naman ang kaniyang kambal habang ang dalawang anak niya ay napapagitnaan ng kaniyang ama at ina . Kailangan ba talagang tanungin sila ng mga ito? Ni hindi pa nga niya alam kung ano sila ni Carlos, bakit pakiramdam niya pinagkakaisahan siya ng mga ito? Parang siya lang ang walang alam sa mga nangyayari. "Gaya po ng napag-usapan natin noon Tito, I'll marry Dianna this year." Nabitiwan ni Dianna ang hawak na baso. Talagang

