Dianna POV PUTING silid ang bumungad sa kaniyang mata. Uhaw na uhaw siya nanunuyot ang kaniyang lalamunan. Nanginginig pa siya. Napahawak siya sa kaniyang ulo, nang naramdaman ang pagkirot nito. May nakapa siyang telang nakabalot dito. Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa kaniya ang maamong mukha ng kaniyang ina, ang dating mahabang buhok nito ngayon ay maiksi na, at nakasuot ito ng puting bestida nagmukhang bata ito. "Mabuti naman at gising ka na Celine," tila nabunutang tinik na sambit ng kaniyang Mama. "T-tubig," nauutal niuang sambit. Agad naman siya nitong binigyan ng tubig. Kitang-kita sa mga mata nito ang tuwa nang nakita siya. Pagkatapos siya nitong pinainom sy umupo ito sa gilid ng kama niya. May nakakabit na dextrose sa kaniya at may benda ang kanang

