Dianna's POV "Hindi pa po gigising si Mama?" rinig ni Dianna tanong ng isang boses; boses ng isang batang babae. "Hindi pa, napagod yata ang mama mo sa biyahe," sagot ng isang boses babae sa tantiya ni Dianna nasa mid-50's na ito. Narinig ni Dianna ang pagbukas at pagsara ng pinto. "Papa!" masiglang sigaw ng batang babae. "Mama is still sleeping pa, po, kailan po ba siya magigising? May sakit po ba ulit si mama?" inosenteng tanong ng bata. "Napagod lang si mama mo sa biyahe hayaan muna natin siyang magpahinga," rinig ni Dianna paliwanag ng pamilyar na boses. Gustuhin niya mang idilat ang mga mata at ipalam na kanina pa siya gising ay hindi niya magawa. Bigla niyang naalala ang nangyari kanina bago siya nawalan ng malay. Paano niya haharapin ang lalaking ito at sabihin na hindi siy

