Chapter Thirty-one

1099 Words

Dianna's POV MASAYANG nagkukulitan sina Coreen at ang makulit niyang anak na si Carlos. Mas sanay siyang tawagin itong Carlos kaysa Alexandrei. Parang walang kapaguran ang dalawa, kanina naligo ang mga ito sa pool at ngayon naman nagkikilitian habang gumugulong-gulong sa bermuda grass. Hinayaan na lamang niya ang dalawa. Mukhang kay Coreen namana ng anak niya ang kalikutan. "Kailan mo balak harapin si Carlos, Dianna?" Napalundag si Dianna sa gulat. May dala-dalang tray ng meryenda ang kaniyang Mama. Kinuha niya ito at dinala sa maliit na mesa rito sa garden. Naitanong na rin iyan ni Coreen noong isang gabi kung saan na-shock siya sa ipinagtapat nito hanggang ngayon ayaw niyang paniwalaan ang sinabi ng kaniyang kakambal. Sa pagkatatanda niya may gusto si Leon dito noong mga bata pa si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD