Dianna's POV MALAMIG na simoy ng hangin ang humahaplos sa balat ni Dianna. Dapit-hapon na siyang nakarating sa Isla Vallehermoso. Kahit sobra siyang napagod sa mahabang biyahe ay tila napawi ito nang nasilayan niya ang kagandahan ng isla. This is not the first time na nakapunta siya rito. Pero wala siyang naalala noong unang punta niya rito, maliit pa siya noon. Sa pagkakatanda niya nakapagbakasyon na sila rito kasama ang kaniyang ina, ayon din sa kuwento ng Tita Flor. Nabanggit kasi ito noon sa kaniya ng tiyahin niya. Ang nakapagtataka lang kasi puro kuwento lang ang narinig niya tungkol sa alaala niya sa kaniyang mama. Mahahalintulad mo rin ang isla sa Boracay pero itong Vallehermoso ay hindi pa open sa mga tourist o mga dayuhan. Mabuti na lang at tinulungan siya ni Carter. Naging k

