Dianna's POV "Puntahan mo na iyong bisita mo," aniya kay Carlos, pero imbis na sundin siya nanatiling nakayakap lamang ito sa kaniya. Kanina pa nakaalis ang kasambahay na nag-imporma na may bisita itong naghihintay sa sala. "Kumain muna tayo," sagot ni Carlos. Magpoprotesta sana siya nang hilahin siya nito paupo sa hita nito wala na siyang nahawa at nagpaubaya na lang sa lalaki. "Buti pa siya alam ang paborito mo at hindi kinakain." Muntik na siyang naubo sa narinig. Paano naman nito malalaman ang paborito niya? E, sa kambal lang niyang si Coreen nakatingin ito palagi. Para itong bata kung umakto. Naalala niya tuloy iyong mga panahon na asar na asar ito sa kaniya. Flashback "Coreen!" malakas na sigaw ni Carlos. Napangiti si Celine. "Coreen pala, ha?" Dahil bored siya buing m

