Dianna's POV TAHIMIK lang na nagmamaneho si Carlos kanina niya pa ito hindi iniimik. Parang gusto niyang sampalin ito! Hindi niya maatim na. . . napasabunot na lang siya sa kaniyang buhok dahil sa bigat na kaniyang naramdaman. "Nagugutom ka ba?" Hindi niya ito nilingon, nanatiling sa labas ng bintana siya nakatingin, nag-aagaw ang linawag at dilim bandang alas-kuwatro na ng hapon sila umalis kanina. Ayaw niya sana na ito maghatid sa kaniya sa bahay nila sa Laguna pero wala siyang nagawa ng nagpumilit ito. "Galit ka pa rin?" dagdag ni Carlos. Napapikit na lang siya nang naalala ang pinag-usapan nilang dalawa kanina bago sila umalis. Flash back Nakaupo siya sa puting sofa sa loob ng kuwarto ni Carlos sa tantiya niya mga limang minuto na siya roon. Akala niya susundan siya ng lalaki at

