CHAPTER 14: BRIDAL CARRY

1956 Words
CHAPTER 14: BRIDAL CARRY “For you, Sielan Errania,” Leo whispers as he opens the rectangular box, and the beautiful vintage necklace welcomes my eyesight. “Wow…” is my first word to say. “This is beautiful…” “Just like you,” Leo retorted but my eyes stayed glued on the necklace. I have seen a lot of beautiful necklaces in Manila. Those luxurious ones. Those elegant. And those simple ones. Diamond, gold, silver, and other materials of jewelry, I have seen much. But this one in front of me hits different. It’s glowing beautifully. Hindi ko mawari kung paanong isasalarawan ng tama ang disenyo ng kwintas gayong ang nakikita ko ay ang purong kagandahan nito. It shines in my eyes! Makaluma ang disenyo nito ngunit mababanaag pa rin ang kagandahang angkin ng kwintas. Halatang mula pa ito sa sinaunang tao. Mga ninunong napag-iwanan na ng taon. Ngunit ang kwintas na nasa aking harapan ay mananatiling maganda kahit pa dekada ang lumipas. This necklace is perfect. Hindi ko na napigilan pang haplusin iyon. The gold vintage necklace is just absolutely beautiful! Nakaka-iyak ang ganda nito. May kakapalan ang paikot niyang puntas at ang disenyo nito ay hindi ko maintindihan. Ang tanging malinaw ay tila balahibo ng ibon ang pagkaka-desensyo sa puntas nito kung saan sa gitna ng bawat puntas ay mayroong kulay berdeng bato. Habang ang palawit nito ay desenyong araw. Ang walong sinag nito ay nakahulma ng perpekto at sa pinaka gitna nito ay korteng mata kung saan naroon ang malaking berdeng bato. Kulang ang pagsasalarawan ko sapagkat mayroon pang mga detalyeng nakaukit sa bawat puntas ng kwintas na hindi ko maintindihan. Pero isa lamang ang tamang maisasatinig ko sa kwintas na ito. Perfect. This necklace. And I could trade all my things just to keep this one. “Napagpasiyahan na ng aking pamilya kung sino ang susunod na magma-may-ari nito,” sambit ni Leo. “Why…me?” taking tanong ko. Imbes na sumagot ay ngumiti lamang ng matamis si Leo sa akin bago nito abutin ang aking kamay at ilapat doon ang parihabang kahon ng kwintas. Napatitig ako roon at napalunok. There is something about the feels while I am holding the necklace. Hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman ko ngayong hawak ko ang kwintas pero ang tanging masasabi ko ay…napaka init ng pakiramdam ko ngayon. It’s embracing my heart warmly. “I will take care of this,” matatag na sabi ko na siyang ikinangiti ni Leo. “I know that you are curious why we give it to you,” he said. “I will tell you why on your eighteenth birthday,” My face shines. That means, Leo will be at my birthday. Of course, he will! Ngayon pa lang ay siya na ang nais kong maging escort. Matagal pa ang eighteenth birthday ko pero ngayon ay pa lang nasasabik na ako. Nasisiguro kong magiging mabilis lamang ang paglipas ng araw at mamamalayan ko na lamang na eighteenth birthday ko na pala. That’s just how days passes by. Leo and I stayed there, admiring the necklace for a moment until he decided to send me home because it’s getting dark already. As we walk side by side, we can’t help but talk about how this day will be my favorite one. For the past years, Leo was able to become completely comfortable with me and he often smiles and laughs. Things he doesn’t usually do when he’s surrounded by other people. Thou he smiles, pero tipid lamang. Unlike when he’s smiling whenever I’m around him. Mabilis kong tinampal ang aking sarili sapagka’t nagiging assuming ako. Siguro ay komportable lamang si Leo sa aking presensya kung kaya’t nagagawa niyang ngumiti ng malawak, ng walang pagtitipid at malaya. Iyon lang ang dapat kong isipin at wala ng iba. Less assume, less expect, less pain. “Legit!?” impit na tanong ni Tin matapos kong ikwento ang pagbisita ko sa village nina Leo. Mabilis akong umirap sa kaniya at tsaka ko hinipo ang parting hinampas niya. Magtatanong na nga lang ay nanghahampas pa. “Oo nga,” paulit kong sagot. “Ang ganda. Sobrang ganda sa kanila. Kakaiba ang ayos ng kanilang village. Iyong mga bahay ay gawa sa mga malalaking puno ng kahoy. Hindi sementado. Tapos ay pantay-pantay pa ang pagkaka-gawa ng bawat bahay. Maliban sa bahay nila Leo na siyang pinaka-malaki sa lahat,” “Nakapasok ka rin sa bahay nila?” “Malamang. Alangan namang doon lang sa labas ay sumisilip-silip sa loob?” Umirap siya. “Napaka-palad mong tunay!” “Ayan nanaman ang mapalad mong salita!” “Dahil tunay ka namang mapalad!” “Ewan ko sa’yo!” “Psh. You know what, I don’t want to plant this in your pretty mind, but…what if Leo likes you?” she asks the last statement in a whispering way. My eyes widen. I remember what granny has said and I immediately shook my head. I have already decided not to take that thing seriously. I don’t want to expect especially when Leo never said anything about it. I like him. Yes, I do. But it doesn’t mean that I should believe that easily. What if they are just misinterpreting Leo’s action? What if Leo is just nice to me? It’s hard to assume and expect. Hindi ko alam kung paanong sa edad kong ito ay alam ko ng magpasya na iwasang mag-assume at mag-expect. Marahil ay sa dami na rin ng nabasa kong nobela patungkol sa pag-ibig. At ang kadalasang nasasaktan ay iyong naghahangad ng sobra at basta-bastang naniniwala sa anomang sinasabi sa kanila. And that is my lesson learned. “No. He’s not,” matigas na sagot ko kay Tin. Umingos ang aking kaibigan. “Bahala ka. Pero sa tingin ko ay gusto ka talaga niya,” pag-uulit niya. “Pero ang siguradong-siguro ako na may gusto sa’yo ay si Erik!” “Sshh! Ang iyong bibig, Celestine!” suway ko. “Psh. Pag si Leo ang sinasambit ko ng malakas ay ayos lang sa’yo. Bakit kapag si Erik ay hindi?” malisosya niyang tanong. I roll my eyes at her. “What if someone heard you? Tapos makarating sa kaniya na pinag-uusapan natin siya? Eh di, aasa iyong tao? I don’t want to assume so, I don’t want to make someone assume also,” “Hay naku, Era,” aniya at sinambit ang palayaw ko na siya ang gumawa. “Alam kong hindi ka manhid. At lalong hindi ako ganoon!” aniya at mas inilapit ang kaniyang bibig sa aking tainga. “Gusto mo si Leo.” Pairap ko siyang tinignan. “Ngayon mo lamang nalaman?” tukso ko. Impit siyang nagpigil sa pagsigaw. “Sinasabi ko na nga ba!” aniya ay tuluyan na akong tinukso. Mabuti na lamang at lubos na mapagkakatiwalaan si Tin. Bagaman makulit at madaldal ay mapagkakatiwalaan siyang lubos. Iyong mga bagay na ginagawa sa akin ni Irene at ng kaniyang mga kaibigan ay hindi nakarating sa iba, lalo na kay Leo. Ni isa ay walang kumalat at nakarating sa kaalaman ng iba. Kaya naman ay tiwala akong hindi rin makakarating sa kaalaman ng iba ang nararamdaman ko para kay Leo. Lalo na kay Leo mismo at kay Irene. I’m not afraid of Irene. I can fight if I just want to. I am a brat, yes. That’s how they look at me. But I know better. And catfights aren’t my thing. Plus, the fact that Irene is bullying me just because of a man. I know myself and I know my worth as a person. And I will never fight someone just because of someone. Someone I don’t own. Someone who’s does not belong to me. Kung sana ay…kung sana ay mayroon kaming malinaw na ugnayan ni Leo ay magagawa ko pang makipag-away para sa kaniya. Ngunit wala akong pinanghahawakan. Kung kaya’t wala akong dapat ipaglaban. “Are you sure? Baka naman ay makaistorbo ako sa inyong dalawa?” mapanuksong tanong ni Tin habang nasa comfort room kami ng babae. “Eh kung sakalin kaya kita dyan,” pananakot kong tinawanan lamang niya. “You are happy,” someone said, and the voice is very familiar. Natahimik si Tin sa panunukso sa akin habang ako naman ay matunog na napabuntong-hininga. Parang noong weekend lang ay nakita ko siya sa village tapos ngayon ay heto nanaman siya sa harapan ko. Kung sino pa ang ayaw mong makita ay siya pang lagi mong nakakaharap. Imbes na sumagot ay tumango lamang ako sa kaniya. Akala ko ay hihinto na siya ngunit mabilis niya akong sinabuyan ng tubig na galing sa faucet na ginagamit ko. Nagulat kaming pareho ni Tin ngunit wala ni isa ang umimik sa akin. I secretly clench my jaw and hide my fist. I have been a good girl in front of Irene. Trying my best to respect her since she’s older than me. Trying my best to keep my patience towards her. But she’s just pure witch who don’t stop bugging me. “Halika ka na, Tin,” aya ko ay mabilis na hinawakan ang palapulsuhan ni Tin. But Irene blocks our way. Dahil sa angkin kong tangkad ay halos magkasing-tangkad lang kami kahit pa mas matanda siya sa akin. Nalamangan lamang niya ako ng ilang pulgada dahil sa takong na suot niya. Muli akong matunog na napabuntong-hininga dahil nasisiguro kong hindi niya ako hahayaang lumabas dito ng walang nangyayari. Kabisado ko na siya at sa tuwing nakikita ko siya ay handa na ako sa ano mang gagawin niya. Hindi ako papatol. But if she will harm Tin. Then I won’t stay here standing. “Don’t feel special, Sierra,” may diing sabi niya. “Huwag kang mangarap na espesyal ang pakikitungo ni Leo sa’yo,” So, it’s because of Leo again. Napaismid ako at taas noong humarap sa kaniya. “Go and tell it to yourself, Irene. Dahil mukhang ikaw ang nangangarap sa kaniya,” Kumuyom ang kaniyang palad at matalim akong tinitigan bago siya gumilid upang makadaan kami. “Let’s see which of the two of us is dreaming,” mapang-hamon na ani niya. I politely nod at her. I didn’t let my guards down as we pass them. Magpapasalamat na sana akong wala siyang ginawa sa akin ng bago pa man ako malabas sa comfort room ng babae ay natisod na ako. Malakas ang naging pagbagsak ko kung saan ang buto pa mismo ng aking tuhod ang tumama at napuruhan. Napalunok ako dahil sa sakit na naramdaman. Ayos lang sana kung hindi ang mismong buto ang tumama sa malamig na flooring ng sahig ngunit hindi. I felt my right leg numb. Ang tuhod ko’y hindi ko maiunat. Napipilan ako at mabilis na bumagsak ang luha ko. Eksaktong dinaluhan ako ni Tin. Habang sina Irene lumabas na rin ng comfort room at bahagyang lumayo sa amin para panoorin akong nakasalampak sa sahig. “A-Ang sakit…” bulong ko kay Tin. “Gaga talaga ang Irene na iyon! They put trap for you to end up like this! Sobrang na ang pamimisikal nila,” impit na bulong ni Tin na sinusubukan akong tulungang makatayo. “I c-can’t stand, Tin. Ang s-sakit…” “Saan ang masakit?” tanong ng masuyong tinig na siyang lalong nagpaluha sa akin. “L-Leo…” sambit ko. “I’m here,” aniya sa masuyong tinig ngunit ang mga mata niyang nag-aalala. “Let me carry you,” aniya at hindi na ako hinayaang makasagot pa ng mabilis ngunit maingat niya akong binuhat. Iyong buhat pangkasal. At bagaman nanlalabo ang aking paningin dahil sa aking luha ay nasulyapan ko pa rin ang naghihimutok na itsura ni Irene. But instead of worrying about her, I just let myself relax at Leo’s arm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD