This is the hardest part when your lost memories come back. Everything will come back as well. Even those memories that are painful and sad. And remembering everything, I feel regretful. Sa maraming bagay ay nagsi-sisi ako. Hindi ko makilala ang sarili ko noon. Kung paano akong napunta sa ganoong sitwasyon. Hindi ko lubos akalain kung paano akong humantong sa mga ganoong desisyon. Hindi ko matanggap na dahil sa pagiging matigas ng ulo ko, nawala ang ina ko. Kaya siguro ay ganoon na lang ako katakot na suwayin si Daddy simula noong lumabas kami ng ospital. Kaya siguro ganoon ako katakot na madismaya dahil aminado ako sa aking sarili na mayroon akong malaking kasalanan na nagawa. Kahit pa sinabi ni Tita Karen noon na nasabi niya lamang iyon dahil sa bugso ng damdamin at hindi niya sinasady

