Kabanata 33 Nag-iwas ako ng tingin kay Boss Tyron nang magtama ang aming mga mata. Muli kong ibinalik ang atensyon sa harapan at pinilit kong pinapakinggan ang sinasabi noong lalaki na syang nagsasalita sa unahan. Marami syang ipinapaliwanag kay Boss Tyron at pati na rin sa ibang board members na kasama namin dito sa conference room pero kahit isa ay wala parin akong maintindihan. Hindi kasi pumapasok sa aking utak ang kanyang mga sinasabi sa kadahilanan na iba ang tumatakbo sa isip ko. Sino pa ba? Edi si King Tyron Sandoval. Sya lang naman ang nakakapagpabaliw sa akin eh. Sya lamang ang nag-iisang lalaki na laging tumatakbo sa isip ko. Nakapwesto kami sa may dulong bahagi. Kung saan kitang kita namin ang lahat ng board members ni Tyron. Mahaba ang lamesa kaya naman may kalayuan ang p

