Kabanata 35 "Cook something for me, Hera." pamimilit na sabi sa akin ni King Tyron habang hinahaplos ang buhok ko. Sa pamimilit niya ay mas lalo kong isinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayapos sa kanyang katawan. Inayos ko ang pagkakahiga ko sa kama pagkatapos ay idinantay ko ang aking kanang hita sa hita ni Boss. Nandito kaming dalawa ngayon sa apartment ko. Hinatid kasi ako ni Boss pauwi tapos naisipan niya na dito na lang matulog sa bahay ko kaya ayon, magkaratig kami ngayon sa kama ko. Magkatabi lang kami. Wala namang nangyaring kakaiba dahil may pahabol days pa ako. "Hera." hindi ko pinansin ang kanyang pagtawag sa akin. Kunwari hindi ko narinig. Ayokong magluto. Tinatamad akong bumangon sa kama ko para magluto ng hapunan kaya p

