Kabanata 10 Masama parin ang pakiramdam ko dahil sa pagsakay namin sa eroplano. Nakalimutan ko na first time ko nga palang sasakay kaya hindi ko na naisip pa na hindi ako sanay. Napasuka tuloy ako sa sobrang hilo. Hindi ko inaakala na ganoon pala ang feeling. Ayoko nang umuwi, dito na lang ako titira. Nandito na kami sa lobby ng hotel na tutuluyan namin. Hindi ko maiwasang mapanganga sa sobrang paghanga. Kulang ang mga salitang magarbo at maganda para i-describe ang hotel na ito. Para akong nasa palasyo na sobrang laki at lawak. Sobrang gaganda ng mga kagamitan sa hotel. Makikintab ang mga tiles at vase kaya paniguradong mahihiya na kumapit ang mga alikabok. Paniguradong sobrang mahal ng mga kagamitan na nasa hotel na ito. Hindi ma-i-pagkakaila na imported ang mga gamit dito. Nakapang

